mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Friday, September 08, 2006

Anong nationality ang madali or mahirap pakibagayan sa NZ?

Na-grab yung attention ko nung tanong na ito ng isang groupmate sa Pinoys2NZ. I'll try to answer the question by enumerating what I think about each nationality found in NZ.

  • European – Majority ng mga tao dito sa NZ, mga European na galing ng UK. Pakeha ang tawag ng mga Maori sa kanila. Mabait ang mga Pakeha, lalo na yung mga matatanda. Kapag nasalubong mo sa daan, ngingitian ka at babatiin pa ng “Good morning”. Pero meron din mangilan-ngilan ang ayaw makisalamuha sa mga hindi puti. Sila yung mga hindi pabor sa mga dayuhan lalo na sa mga asyano.
  • Maori – Sila ang mga natives ng NZ. May mga Maori, sa physical appearance pa lang matatakot ka na. May mga tattoo, rough ang dating at parating pagalit ang mukha. Kung magsalita lahat ng sentence nila may “F” word. Hindi mo sila masisisi kasi ganun ang environment na kinagisnan nila sa kanilang mga magulang. Pero napansin ko na kapag nakilala mo sila personally, okay naman sila. Sa tingin ko medyo aloof din sila sa mga asyano. Kaya dapat lang na tayo ang unang gumawa ng move para makilala nila tayo.
  • PI – o Pacific Islanders. Ang mga PI yung mga galing sa mga maliliit na Polynesian islands na nakapaligid sa NZ, katulad ng Fiji, Samoa, Tonga, Tahiti, etc. Ang pinakamaraming PI yung mga galing ng Samoa at Fiji. Madali naman pakisamahan ang mga Samoan. Yung kultura nila parang sa atin din. Close sila sa mga pamilya at marami din sa kanila ang Katoliko. Yung mga galing naman ng Fiji, dalawang klase. May Fijian Indian (FI) at may native na Fijian. Yung FI, mga galing India na lumaki sa Fiji. Marami nagsasabi na okay ang mga native Fijian, but not the FIs. May naging opismeyt nga ako na FI. Napansin ko nga na makwenta sila sa trabaho. Parating late at absent, tapos ma-complain pa sa trabaho. Maraming nagsasabi na tamad ang mga PI. Siguro dala ito ng relaks na lifestyle sa mga islands kaya pagdating dito gusto rin nila pa-relaks-relaks lang na trabaho.
  • Chinese – sa mga asyano naman, ang pinaka marami ang Chinese. Wala akong problema sa pakikisama sa mga Chinese, except mahirap intindihin kasi mostly hirap mag-english. Most Chinese ang tendency nila, sa kapwa intsik lang sila nakikihalubilo, kaya limited lang ang prendship ko sa kanila.
  • Indian - Katulad ng mga Chinese, ang mga Indian marami din business dito. Marami may ari ng maliliit na tindahan at fastfoods. Ang mga professional na Indian mabait, masipag at madali din kaibiganin. Madaling kausap, kasi magaling sila sa inglis.
  • Koreans, Malaysians – aside from fellow kababayans, eto ang mga favorite ko sa mga Asians kasi very friendly sila. Siguro dahil kapareho rin natin na mga immigrants at mostly mga professionals din. At katulad natin, masisipag din at hindi makwenta sa trabaho. Katulad din natin, yung mga Malaysians, may mahilig din sa tsismis at sila-sila kung minsan nagkakasiraan at nagkakainggitan. Di yata mawawala yon kahit anong nationality.
  • Thai, Cambodian, Vietnamese – karamihan sa mga ito pumasok sa NZ as refugees. Most of them are not professionals, pero marami nakapagtayo ng mga business dito. Mabait at masisipag din sila at madaling pakisamahan.

Kung anuman ang mga nasabi ko, base lamang ito sa aking limited na experiences at sa mga naririnig na mga kwentong barbero dun sa hairdressing salon ni August (matching plugging pa!). Ang ating pagkatao ay hindi lamang nahuhubog ng ating kultura o bayang pinanggalingan. Malaking bagay din ang edukasyon, pamilya, relihiyon, mga kaibigan, past experiences, past girlfriends, at mga personal choices natin sa buhay. In other words, we are all unique. We all have the power to be different or the same as the people around us. Kaya sana don't take everything I said as generalizations.

13 Comments:

  • We all have the power to be different, ganda! parang linyang pang United Nation.. heheh!!! Unique lang tlga tayong pinoy kc kahit saan pa tayo lupalop dalhin ng kapalaran, lagi tayong ready to fight! heheh!! fafa ku taga pampanga din ako, baka nagkasalubong na tayo.. nung fetus pa akO! heheh!

    By Blogger lheeanne, at 4:12 PM, September 08, 2006  

  • working here naman, i gathered some impressions of these frenchies on other nationalities (limited syempre sa nationalities present sa company namin):

    pinoy, syempre pa, di sila gaanong makareklamo kasi nakaharap ako. pero according to them, minsan mahirap makitrabaho sa atin dahil matigas ang ulo, we do what we want (or we do what we think is better). the problem is, we know how to express ourselves.

    thai, madaling makitrabaho, oo lang ng oo. kasi naman, they cannot express themselves no. yun nga lang, you have to explain carefully kasi minsan, oo sila pero actually, they didnt understand anything.

    kano, syempre pa, feeling superior. they dont want to be ruled.

    tsekwa, i dont know what impression they have for these fellas, puro kasi pagkain sa canteen ang naririnig ko hehe.. ano pa nga ba, nakadyeta silang lahat pag may business travel dun..

    irish, pale and ugly.. ano ba yan, halos puro lalaki kasi katrabaho ko hehehe..

    nice topic, we cannot stop globalization anyway, so we have to accept each other's differences..

    By Anonymous Anonymous, at 9:53 PM, September 08, 2006  

  • Hello Ka Uro!

    thanks for sharing this...especially about the Maoris and PIs, limited knowledge ko about them eh.
    yung last 3 enumerated mo, sila rin masisipag dito at kayang makihalubilo sa ibang nationalities unlike the chinese na tight knitted (this is what i observe)

    have a good weekend to you and ur family.

    By Anonymous Anonymous, at 11:58 PM, September 08, 2006  

  • tk,
    kaw talaga, kayang-kaya mo akong murderin. fetus ha? hahaha

    analyse,
    thanks for sharing. especially yung irish. di ka lang siguro nakakatapat ng guapong irish. i like their accents though.

    thess,
    ganung nga pansin ko sa mga tsekwa. very close-knit. medyo mahirap maging kaibigan.

    By Blogger Ka Uro, at 11:35 AM, September 09, 2006  

  • From what I heard, the Maoris were originally from the Southeast (e.g. Pinas)... totoo kaya ito? Ma-i-research nga.

    To me, the more mix in nationalities that I encounter and deal with, the better. Doesn't necessarily mean that I have to like them but it's good to have an idea of what different people are like.

    By Blogger Jovs, at 12:08 AM, September 10, 2006  

  • knowing little info about these people could help in a way, and make those who aspire to be in NZ aware.

    this is a helpful post.

    By Anonymous Anonymous, at 1:24 AM, September 11, 2006  

  • ... i have one Thai friend and u know what? wag lang sya magsalita, napapagkamalang talagang Filipina ^_^ bigla na lang syang tina-tagalog ng ibang friend ko, mahirap nga lang di sila marunong mag-english kaya nihongo kami mag-usap pero mababait sila.

    ... and i have lots of Indian friends, Sri Lankans and few Americans!

    ... well, i can say mas pinakamadali pakibagayan ang mga Indians kase medyo katulad natin sila, conservative, matalino ^_^ and mapagmahal sa pamilya.

    ... but of course tayong mga Pinoy pa rin ang no.1 sa lahat, kahit saan sulok ng mundo pa tayo magpunta , yan ang maririnig mong comment sa kanila ^_^

    ...its been a while KU..tagal ko di nakapasyal dito, musta na dyan sa NZ?

    enjoy weekend!Godbless....

    By Anonymous Anonymous, at 3:05 AM, September 11, 2006  

  • oo nga unique, kahit saang lupalop pa ng mundo tayo galing ay di parin nawawala kung ano ang nakagisnan natin...pero syempre minsan kailangan din nating makibagay sa mga taong dadatnan natin...

    nice post kuya...

    By Blogger Unknown, at 1:17 PM, September 11, 2006  

  • base sa experience ko, wala naman sa nationality yan! nsa sarili mo kung marunong kang makibagay or makipagkapwa tao.

    since pinoy tayo, jan tayo magaling, ang makisama. no wonder maraming ibang lahi ang gustong magkaroon ng kaibigang pinoy.

    By Blogger Mmy-Lei, at 6:08 PM, September 11, 2006  

  • Yan ang kagandahan at kahalagahan ng diversity!! Iba-iba ang kultura, iba-iba ang diskarte, iba-iba ang mga ideya. Buti na lang, mahusay makibagay ang mga Pinoy!

    By Blogger Unknown, at 7:39 PM, September 11, 2006  

  • You can't liberally use the word 'Maori' ng basta basta... it's regarded as taboo.

    Eto ang turo sa akin ng Malaysian And Pinoy friends ko.

    By Blogger Senorito<- Ako, at 12:03 PM, September 12, 2006  

  • Pinkamahirap pakisamahan ng pinoy sa abroad? Kapwa PINOY!!!

    By Anonymous Anonymous, at 8:52 PM, October 23, 2006  

  • May Bahagyang komento lang ako sa mga tsekwang nakatira sa tsina.Napakababaho nila, Hndi pa naiimbento tawas o deodorant sa buhay nila maging pang-ahit ay hndi pa kung ang tawag sa pinas ng taong may favorite na kasuotan ay wash en wear, sa kanila eh wear en wear kaya amoy nakulob na bedsheet na ginamit na hndi pa natutuyo sa loob ng kalahating taon. tapos ung amoy ng street food nila hndi mo maipaliwanag pinaghalong suka at dumi ng lahat ng uri ng nilalang grabe din ang bangis ng putok nila oppsss baktol na pala ibang level na kasi ng kabantutan maging ang hininga nakupo nanaisin mo pang patayin ka nalang kaysa maamoy. at higit sa lahat karamihan ay eengot engot kaya kung purong tsekwa ka at sa pinas nakatira congrats mga tol kasi ganap na tao ka hndi katulad ng mga ka blood line mo sa tsina parang mga taong tabon. un lang po ang karanasan ko sa tsina masaklap, mabantot nakakaloka.

    By Anonymous Anonymous, at 3:19 AM, November 23, 2006  

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker