mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Friday, September 01, 2006

Facts/Myths About Life in Saudi Arabia

I was once an OFW, way back in the 80s. I worked with Societe Auxiliare d’ Entreprises (SAE) in Saudi Arabia. Sandali lang naman ako doon, less than two years lang. Kaya kung ano man ang alam ko tungkol sa lugar at mga tao doon hindi ko masasabing lahat totoo. Maaaring impression ko lang base sa mga nasagap na kwento-kwento mula sa mga taong na-meet ko doon. Heniwey, heto ang ilan sa mga natatandaan ko tungkol sa Saudi. Hopefully, ngayong naisulat ko na ang mga ito, may mga mas nakaka-alam ang makapagsasabi kung alin dito ang facts at alin ang myths.

  1. Hindi nagbabago ang conversion rate ng pera nila sa US dollar.
  2. Super init sa summer, malamig naman sa winter. Walang season na in-between ang lamig at init.
  3. A foreigner driver is always the one at fault in any car accident, kahit kung siya ang binangga. Ang logic nila dito, kung hindi ka pumunta ng bansa nila, hindi ka sana nila nabangga.
  4. It is a crime to attempt suicide. Kung nag-attempt ka na magpatiwakal at hindi ka namatay, makukulong ka. Nasaksihan ko ito nung mag-slash ng sariling leeg ang isang kasamahan namin. Di siya namatay. After sa ospital sa kulungan naman.
  5. They use a different calendar which is around 600 years younger than ours. Sa ating kalendaryo 2006 na. Sa kanila year 1427 pa lang.
  6. Umpisa ng week nila is Saturday. Biernes doon, walang pasok. Parang Sunday sa atin.
  7. Kung magsulat sila from right to left, except when writing numbers, which are written from left to right same as our way of writing.
  8. Bawal mag-usap ang babae at lalaki na hindi mag-asawa sa public places.
  9. Bawal din tignan ang babae na may kasamang asawa. Pwede kang bugbogin o isumbong sa pulis.
  10. Censored ang lahat ng palabas sa TV. Maging ang mga magazine. Ang mga advertisements halimbawa ng shampoo o sabon na may picture ng mga babae na litaw kahit legs lang, sinusulatan ng pentel-pen.
  11. Wala akong nakitang sinehan doon.
  12. Sa mga buses nila, ang mga lalaki nasa harapan. Ang mga babae nasa likuran. May division ang mga bus para di magkakitaan ang babae at lalaki.
  13. Bawal pumasok sa mga tindahan ng mga alahas at ginto ang mga boys. Babae lang ang pwede.
  14. If you want to meet girls, dapat magpa-ospital ka muna. Kasi doon maraming nurses.
  15. Delikadong maglakad nang nag-iisa ang mga lalaki lalo na kung gwuapo, maputi at walang facial hair. Bakit kaya?
  16. Bawal ang sugal doon. Pero may jueteng. Mga Pinoy ang kubrador at jueteng lord.
  17. Marami na rin sa mg Arabo ang marunong mag-tagalog. Pagpasok mo sa kanilang tindahan babatiin ka ng “magandang umaga, kabayan”.
  18. Heto pa siguro ang natutunan nila sa mga Pinoy. Tumatanggap na rin daw ng lagay ang mga highway patrol. I haven’t witnessed this though.
  19. Kapag nahuli kang gumawa ng krimen, you are assumed guilty until proven innocent.
  20. Kapag nahuli kang nag-nakaw, puputulan ka ng kamay. Kung adultery o rape naman, puputulan ka ng … ewan.

Mahirap ang buhay doon. Yet I admit I enjoyed my stay there in spite of the harsh environment. I enjoyed the place because I was in the company of friends -- fellow kababayans. Goes to show that more often it’s not the place that makes a home, it’s the people you’re with.

18 Comments:

  • Naku wawa nman pala mga turista dun,,, hahah! kaya pag nag tour ako doon mag lalakad ako o kaya e mag papadrive ako ke MAng KD... at hindi na ako mag hohotel kc makikitira ako ke MAng KD.. at hindi ako mkikipag usap ke MAng KD kc nga bawal diba? hahah! wait.. bkit mang KD lahat ang naisulat ko?? hmmm..sige ke Mmy Ann nalang... heheh!

    By Blogger lheeanne, at 2:27 PM, September 01, 2006  

  • Mahirap nga daw talaga ang "buhay Saudi". Natatandaan ko noong araw kapag may mga kamag-anak kaming patungo doon eh sinesermunan muna ng lola ko na "magpakabait ka doon, at baka mapugutan ka ng ulo".

    Marami ding istorya ng pangma-maltrato at rape...Takot ako (mala-Matet).

    By Blogger Unknown, at 4:25 PM, September 01, 2006  

  • it really shows how different their culture is.. mahirap palang mag suicide dun, kelangan siguradong dedbol ka.

    By Blogger Analyse, at 2:04 AM, September 02, 2006  

  • kung lalake ay pupunta sa ospital para makakita ng babae, eh san naman dapat pumunta ang mga babae para makapag boy-watching? hehe joke!

    - sarubesan.blogspot.com

    By Blogger SarubeSan, at 4:16 PM, September 02, 2006  

  • Oo nga ho daming bawal dito, pero nakasanayan na rin namin yung buhay dito.

    Ok na ngayon pumasok ang lalaki sa mga tindahan ng alahas.

    Marami na ring palabas, may GMA, TFC, at di na nila makontrol yung mga nakukuha ng satellite dish.

    Hindi lang tagalog alam ng mga arabo ngayon, marunong na silang mag bisaya, ilocano at kapampangan

    Kahit sa airport may lagayan na rin, kung gusto mong walang bukasan ng bagahe magbayad ka sa indian ng SR50 at ipipila ka nya dun sa contact nya na arabo at di na bubuksan yung bag mo.

    By Blogger Ann, at 7:35 PM, September 02, 2006  

  • hi KU. i've just been on a 6-week stay in bahrain as hubby's based there right now.

    open country ang bahrain, unlike saudi. ganun din doon, di nagbabago ang US$ conversion rate nila. nakaka-inggit.

    paglapag ng eroplano, i noticed that the country is pronounced pala as "baharain", hindi yung straight na bahrain. :)

    By Anonymous Anonymous, at 1:34 AM, September 03, 2006  

  • Don't know much about Saudi except for the stories I've heard (but more on restrictions between men and women, etc.) Mukhang mostly nakakatakot na kwento. Teka, ano itong tungkol sa guwapo at maputi at di balbasin na lalaki at huwag maglalakad magisa sa kalye?

    By Blogger Jovs, at 1:22 AM, September 04, 2006  

  • Hi fafa KU! kumusta po? napabasa ako sa kwento mo, at at natawa ako sa mga natutunan ko jan, hehehe... mejo kakatakot pla jan sa saudi... hehe...

    pero tama po kau dun sa sabi nyong ang mga kaibigan at kapwa pinoy are the ones that make a place a home...

    ingat po...

    Dops

    By Blogger RAV Jr, at 7:39 AM, September 04, 2006  

  • TK,
    ako man pag bisit don uli, kay mang KD din makikitira.


    rhada,
    kahit lalaki nga nare-rape.


    analyse,
    grabe ang culture shock ko nung andun ako. iba talaga.


    vemsan,
    good question. pero di ko alam answer kasi di naman ako mahilig mag boy watching. heheh

    ann,
    nung time ko, wala pang TFC o GMA. pati pala airport na impluensiyahan na rin.


    gelo,
    hirap talaga kung binata ka. ok lang siguro kung bading ka. hehehe. thanks for the very usefull info about schools.


    KD,
    nagbago naman pala ang USD conversion kahit papaano. nung andiyan ako it was 3.75 if i'm not mistaken. pupunta ako sa khobar para magpapalit ng riyal to dollar. at siempre dapat yung bago at walang lukot na dollar.

    salamat sa mahaba mong comment. ngayon alam ko na ang totoo at di na totoo. marami na rin naman pala ang nagbago.

    pao,
    sabi nga nila ok daw don sa bahrain. actually from KD's place in Al Khobar may bridge na papuntang Bahrain.

    jovs,
    iba talaga ang culture nila sa mga muslim countries. unang una you can't were the same clothes we normally were. yung tungkol sa guwapo at maputi, tanong mo kay KD kung bakit. but i'm not implying that KD is guwapo at maputi. heheheh. peace tayo KD.

    dops,
    long time no write. musta ka na. kakatakot nga sa saudi lalo na kung binata ka pa. jan ka na lang sa japan at least maraming chicks.

    By Blogger Ka Uro, at 10:04 AM, September 04, 2006  

  • KU,
    Pareho pala kayo ni Henry na ex-Saudiboy. Meron ka rin bang maong na jacket?

    have a nice week.

    By Blogger jinkee, at 12:05 PM, September 04, 2006  

  • jinkee,
    funny you asked about the maong jacket. hahah. meron nga ako. pero pinamigay ko sa mga kasamahan ko doon bago ako umuwi.

    gelo,
    ok palang magtinda ng mineral water doon. teka, ba't maraming alam tungkol sa mga acdc nating kababayan doon? na-meet mo ba si arnold? joks.

    By Blogger Ka Uro, at 9:22 AM, September 05, 2006  

  • balbas sarado ka ba KU noong nasa saudi? tulad ng iba marami ka rin bang jergen at iba pang lotion sa iyong kuwarto? ilang taon rin ba kayong nagsama ni Mary P?
    dito nga sa middle earth sceneries inip na inip na ako di lalo na siguro sa middle east.

    By Blogger RAY, at 3:51 PM, September 05, 2006  

  • ano naman ung sinasabi ni KD huh... #14- dati di ako pumupunta ng ospital para may makilala... ung ofismate ko ang asawa niya work sa hospital kaya kaya ng may pinakilala sa akin.. sa bahay lang nila kami nagddate...

    dati ba pede nakashorts lagpas tuhod na naglalakad? nakasleeveless? pede na rin ngayon... wag lang sa mga mall na maraming babae baka matshambahan ng mutawa... dati nasita na kami pnagsabihan lang na wag magstay sa may mga babae...

    By Anonymous Anonymous, at 5:04 PM, September 05, 2006  

  • salamat sa post...dami kong natutuhan...

    By Blogger Unknown, at 11:09 AM, September 06, 2006  

  • Grabe naman po pala dun! Iba talaga ang turing sa mga babae doon, d po ba? Mas maganda pa rin pala turing natin dito sa Pinas.

    By Anonymous Anonymous, at 11:28 AM, September 06, 2006  

  • Marami akong natutunan sa post na ito Ka Uro, marami yung narinig ko noon at ngayon na-affirm ko na rin. Marami rin akong kaibigan na nagtratrabaho doon. Buti na lang, kahit ganyan kaiba ang buhay doon, hindi rin masyadong nakakalungkot...

    By Anonymous Anonymous, at 5:44 PM, September 06, 2006  

  • Mahirap doon! Pero sa sinasabi nila Ann at KD pwede namna palang turuan ang mga Arabo. At mukhang masaya naman sila doon.

    By Anonymous Anonymous, at 1:31 AM, September 08, 2006  

  • Ngaung 2015. Mahigpit pa dnpo ba dun. Tsaka familiar po ba kau sa lugar ng al qunfudah. Paramg sa mecca n ata un.pede po ba mag usap ung babae lalaki dun. At anu po ung home sex. It means pede mag pnta ung lalaki sa bhay ng babae at tsaka sila mag sesex. Gnun po ba?

    By Blogger bratinella, at 5:15 PM, July 01, 2015  

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker