Babala: Bagong Raket ni Kaloy
Doon sa lalawigan ni Kaloy, marami siyang na-meet na gustong mag-migrate sa NZ. So ang ginawa ni Kaloy, pinag-aralan niya ang proseso ng pag-migrate papuntang NZ. Napag-alaman niya na ang isa sa pinakamadali at mabilis na paraan para makakuha ng work visa o residence visa sa NZ ay ang makahanap ng Job Offer (JO) mula sa isang NZ employer.
Ang kaso, hindi madali ang makahanap ng employer na willing magbigay ng JO sa mga overseas applicants. Karamihan kasi ng employers gusto nila ma-interview muna nang harapan ang aplikante.
So naisip ni Kaloy ang magtayo ng isang job placement agency na siyang maghahanap ng JO para sa aplikante. Ang singil niya, $300 for membership, tapos $3000 down payment para simulan ang paghahanap ng trabaho. Tapos kapag nasa NZ na ang aplikante, additional $3000 uli. Para naman may peace of mind ang mga aplikante, ni-promise ni Kaloy na kapag hindi sila naihanap ng trabaho, pwedeng mag-quit ang member anytime at 100% money back guarantee.
Fair naman ang proposal ni Kaloy, di ba? Soli bayad, kung hindi satisfied. Minimal risk para sa applicant. Dahil dito marami ang sumapi at eventually naging profitable ang raket ni Kaloy. Kahit may mga members ang nagku-quit at humingi ng refund, meron pa rin naman mga bagong sumasapi. Imagine na lang na kung isang libo ang members at any given time, that is 1000 taymis $3000 equals $3 million in the bank! Bongga, di ba?
The last I heard about Kaloy’s raket is that he has gone global. With a few partners from NZ and a good web designer, they set up a new company with a website that actively recruits members from all over the world, promising job placements in NZ. Ang pangalan yata nung kumpanya nila NewJobz.
23 Comments:
Hi! I enjoy reading your bloggs, i find it very informative. I just want to leave a comment na sana di mo na lang sinulat ang name ng company. kasi unfair if their unable to present yung side nila. I don't really know the story behind NewJobz, but isa ako sa natulungan nila. And i know a couple of filipinos also na nakarating dito thru newjobz. Tama ka nga na they earn interest on your money, but they are honest kung sa tingin nila ay mahihirapan sila ikuha ka ng trabaho. Like in our case at first principal applicant si misis, but they told us na hindi makakapag-apply ng residency yung qualifications ni misis. So ako na na lang. Kaya i think na before joining newjobz dapat alam din naman nung sasali ang chances niya. Don't go in blindly. Kung kahit alam ng applicant tagilid ang chance niya at pilit pa niyang sumali, sino may kasalanan? I don't know if may recruiter ang Newjobz, but we only came about it thru internet.
Thanks! for the space, para may ibang side din naman. Hope you don't think i'm #$%^&.
By Anonymous, at 10:39 AM, September 12, 2006
pre,
i really, truly appreciate your comment. and i don't think you're #$%^&.
kaya ko inilagay name nila para makakuha ng comments from people na natulungan nila. wala pa kasi akong kakilala na naihanap nila ng trabaho. sabi mo natulungan ka nila. paano? naihanap ka ba nila ng job? i'm really interested to know. dami kasing nagtatanong sa akin kung ok ang NewJobz. and all i can say is that wala pa akong nakilalang naihanap nila ng job. but i know a lot na sumali sa kanila, tapos nag-quit dahil walang job na naihanap para sa kanila.
iba kasi yung natulungan at naihanap ng job. kung natulungan ka nila by giving you good advice pero di ka naman nila naihanap ng job, e di ba parang na short-changed ka in that case? main reason na sumali ka sa kanila is for them to find you a job, yung advice dapat libre na di ba?
nice to hear from you. hope you elaborate further on the kind of help newjobz has given you. and if you don't mind telling us, how much it cost you.
By Ka Uro, at 11:26 AM, September 12, 2006
furthermore, i don't question the honesty of newjobz. alam ko na nag-rerefund sila ng mga binayad sa kanila. and also i give them the benefit of the doubt that they are really searching jobs for their members. what i doubt is their success rate. sa tantiya ko napakababa ng success rate nila. pero kapag pumunta ka sa website at binasa ang mga testimonials para bang napakadali nilang makahanap ng trabaho.
By Ka Uro, at 11:35 AM, September 12, 2006
Meron nagkwento sa akin (nakasakay ko sa bus papasok sa work) na hiningian sya ng 8k NZD para maipasok sa NZ ang utol nya. Walang nangyari, pinoy recruiters from AKL daw.
Hmm... 8k nzd. Ewan ko sa iba pero mabigat yun para sa akin.
By Senorito<- Ako, at 11:59 AM, September 12, 2006
pareho yata kami ng friend ni KD! kaso nga lang friend ko nsa pinas na!
nag-apply sya sa newjobz, nakapunta ng NZ, iniwan work d2 sa dubai at mga utang, tapos more than 1 year na wala pang work sa NZ at ubos na pera, so decide sya na uwi na lang ng pinas. puro pako lang daw binibigay ng agency na yan.
ang masaklap pa, d na sya pde bumalik dito kasi wanted na sya!
By Mmy-Lei, at 1:39 AM, September 13, 2006
Ka Uro,
Pinahanga mo na naman ako. Para kang si TULFO, hindi natatakot magsiwalat ng XXX (eXklusibong, eXplosibong eXpose`).
p.s.
halata bang babad ako sa TFC? hehe
By Unknown, at 4:34 AM, September 13, 2006
Hi! Good day to you ka uro. Regarding Newjobz, I don’t know their success rate, thru their website I know they also have clients of other nationalities. Yes, naihanap nila ako ng trabaho and they were able to give me a job contract to show the immigration people. Nandito na ako sa NZ for 1 year. As I’ve said, at first My wife was the applicant for Newjobz, but they told us, they would have a hard time looking a job for her as her occupation was not on the shortage list. That’s when they queried my qualifications. They told us that I would have a better chance of getting a job offer. True to their word, they got me one. All in less than a year, nagtagal lang ako dahil sa medical. All the way ang support na nakuha ko sa kanila, minsan parang delayed lang. I got to know some Filipinos who were able to come here thru newjobz, one is a technician, a couple of nurses but working as caregivers. I don’t know if they have recruiters now, on line lang kami, and the only documents they will prepare for you is here on the new Zealand side, like job offer, employer’s immigration form, ads. The applicant is the one responsible for his documents, passports, visas, medicals, etc. Kaya all would be applicants should do their research, di lahat ng jobs meron sa new Zealand. For example,if your in the IT field, Kung mataas na ang posisyon niyo sa pinas, it doesn’t mean na you have a better chance of getting a job here, coz most employers would like to hire someone with new Zealand experience at that level, di naman puwede entry level, employers would say your over-qualified. As to someone whose field of expertise is in the shortage list. I think maraming factors to take into consideration. Kaya most important is that one look before he leaps. In this case I think look a thousand times.
Thanks uli sa space.
By Anonymous, at 10:15 AM, September 13, 2006
it's quite reassuring na at least merong nagpapatunay na may nabibigyan nga ng trabaho ang NewJobz. thanks for that mr. anonymous. i guess it's up to the person na to decide if they want to get the services of newjobz or not. maganda sana kung may maibigay na statistics and newjobz ng kanilang success rate para naman yung mga mag-aaply pa lang alam nila ang chances nila. if their success rate is only 1%, at least hindi ka aasa ng malaki. tulad nga ng sabi ni KD, di magandang magbigay ng false hopes.
By Ka Uro, at 11:46 AM, September 13, 2006
KU, mabuhay ka for writing this entry!
Tama lang na ibahagi mo ito sa mga mambabasa mo, may good (kahit ba 1 % lang sya di ba) and bad.
Nakakaawa naman talaga ang iba mga kababayan natin na halos ibenta ang kaluluwa makaipon lamang ng placement fee, pagkatapos ay ibinabaon sa pangako at kung hindi naman ay itinatakbo ang pinag-sanglaan ng kaluluwa. I guess yan ang pinakamasakit na parte sa paglapit sa mga agencies, hindi ka pan sigurado na matutulungan makaalis sa Pilipinas, ibinabaon ka na nito sa utang.
Alam ko na ang proseso ng mga papeles at paghahanap ng job offers para sa aplikate ay kailangan ang pera, pero kung magtatayo ka ng agency na ganyan, IKAW ANG DAPAT LAMANG NA MAG TAKE NG RISK, MAG INVEST NG SARILI MO'NG PERA , ganuon ang tamang business. Business mo- RISKs mo. Mayroon ba naman na nagtayo ng restaurant na bago pa man maging restaurant ito ay nag hire ng mga trabahador like waiters and cooks at duon humihingi ng ipang-i-invest?
anyway, I'm happy for Mr. Anonymous that he's one of those lucky ones.
(btw KU, posted na ang kusina, where's yours please?)
By Anonymous, at 8:24 PM, September 13, 2006
KU,
Nice one. Once na-tempt na rin ako to apply via NewJobz pero once I have read the testimonials... Parang inde totoo... Hahaha. Gut feel ko lang yun... Pero in fairness, nasa tao na yun to make patol sa mga ganung company. Apply at your own risk kumbaga... Pero kung ako ke Anonymous, pakilala siya. Tatawagan ko siya kung totoo nga sya. Malay ko ba kung taga-NewJobz lang din naman siya. Just here to make tanggol their company.
Inde ako maka sign in sa account ko sa Blogger.com kasi I forgot my logins sa sobrang tagal na hindi ako maka log in sa account ko.
But I am Annalyn and I used to frequent this place.
Mabuhay tayong lahat!!!
By Anonymous, at 12:57 AM, September 14, 2006
ka uro!!!!!
lanriv ito, hehe nice expose. kaso isa din ako sa mga nag member ng newjobs. kasi since hindi nga successful ung application ko sa nz, dahil archi daw ako kailangan ng regitration et al, hayun nag memeber ako sa newjobz, 3000nzdollars. but then after 6months, ala nangyari, nag extend pa ako 3more months ala pa din, but the good thing is, na refund ko pera ko. although i just felt na hindi nga sila nag work ng husto in finding me a job offer, para kasing pag malapit na mag expire ang contract namin, duon lang sila masigasig mag update-just like giving us hope-eventually para mag extend ka ng service nila. anyways, nothing happened, and i'm here now in singapore, with fellow pinoyz2nz member na archi din.
I salute you!!
By Anonymous, at 2:41 AM, September 14, 2006
Sige hindi ko gagayahin si Kaloy... speechless po ako ngayon.
By lheeanne, at 2:35 PM, September 14, 2006
KU,
Sa Fred Thomas, Takapuna ang office nila. Balak kong pasyalan one of these days.
By jinkee, at 2:50 PM, September 14, 2006
it's illegal in australia to do activities like that- buti nalang. Penalty is quite high. I am rather conservative and stick to what's been tested and tried...even in shares/stockmarket i am very hesitant. Sa real state- puede pa. good posting, ka uro- and we should be aware. getting warmer in australia....
By Vicky, at 12:22 AM, September 15, 2006
dapat jan tadatarin mga agency na yan na walang ginawa kung di mangulang sa mga tao, kahit na ibalik nila ang pera pero pinakinabangan nila un, malay natin na inutang pa un nga aplikante at may porsiyento din, di kung naibalik man, me utang pa din ang aplikante dahil sa porsyento... nakaka-HB mga ganyang gawain ng pinoy...
Dops
By RAV Jr, at 9:08 AM, September 15, 2006
Sagot ko lang kay annalyn, totoo ang sinulat ko, kaya lang anonymous ay low - key lang kami, alam namin na marami ang nag-babalak makapunta dito sa NZ, at di namin gusto ipagmalaki na nandito na kami. Marami rin kaming utang na loob lalo na sa mga members ng pinoys2nz, sa mga advises, isa sa mga nauunang miyembro si misis at marami siyang nakuha na mga suggestions. Kaya thru our own little ways we try to help others na rin. Di rin ako nag-tratrabaho para sa Newjobz. Nasulat ko lang na it was thru this agency kami nakarating dito.
By Anonymous, at 10:19 AM, September 15, 2006
Hi. I am a Newjobz member for 2 years now. They haven't found me a job. They remain optimistic they will. They continue to give me updates on their efforts but I actually have given up on them. I have also changed my mind about moving to NZ. Anyway, I think for those planning to move there, the use of agencies does not guarantee anything. regards, bern
By Anonymous, at 5:26 PM, September 19, 2006
Halo Ka-UUUUUUUUU (may echo pa yan)
whew! ilang dekada na atang di ako naka pasyal dine :)
Susme ang mga agency ganun talaga sila as in sinungaling na mautak talaga, nag work din ako ng agency sa malati nun, ngeek tinuturuan ako ng bosing ko na sasabihin ko sa mga aplikante na naka stamping na yong visa nila sa embassy kahit wala! hehhe kase nga nagagalit na yong ibang aplikante dahil di pa sila naka alis gusto na kunin yong pera :) jusko, ako yong pambato ng bosing ko sa pagsisinungaling hehe..Hanggang sa nakahanap ako ng ibang work agency pa rin pero sa Dubai na :) pero ok dun kase hindi na ako inuutusan ng bosing ko na magsinungaling hehe kase kami yong nagbibigay ng JO sa mga contact namin sa pinas, pero yon nga 20 lang yong pinadala na JO kumukuha sila (agency) ng mahigit isang daan na aplikante at wid payment pa grabeh ang laki talga ng kita nila hehhe
Sa lahat ng klaseng business eto yong pinaka sakit sa ulo, daming gulo at away minsan pumupunta pa yong taga media at may pulis hahhaa na experieced ko talaga yan dati sa malati.
muzta na pala jan summer na? lol
By Anonymous, at 12:48 AM, September 20, 2006
explosibong posting talaga ito ! :)
By Senorito<- Ako, at 1:22 PM, September 20, 2006
I salute to you Ka Uro for this brave posting about Newjobz. I was once a member of this agency but hopeless as to their service. This will serve as awakening to all Filipinos...beware of 100% MONEY BACK GUARANTEE Marketing Strategy...it may be true but think of the TIME VALUE OF YOUR MONEY.
By Anonymous, at 9:58 PM, September 20, 2006
Maganda etong topic na eto, merong palang mga agency ganyan. Thank you sa iyo Ka Uro. Kailangan maiparating ko eto sa mga kilala kung gustong mag migrate dito. At least we advice them, anyway it's their own decision that will prevail. Thank you ulit! Cheers & God Bless you Ka Uro.
By Anonymous, at 9:53 AM, September 22, 2006
hi!Noreen75,
i just want to help u!i'm here in Auckland now. Based on experience, Advise ko lang sau to apply direct to nz immigration. Don't apply thru an agent, kc usually malaki ang hihingiin sau. Kung may kaibigan ka d2 sa NZ, mag apply ka lang as tourist, although hindi yan assurance na makahanap ka ng job, pero may kilala akong madami nag tourist lang at nakahanap ng job dito at umuwi silang may kasamang job offer na to comeback to nz. Ito po ang website ng immigration.
http://www.immigration.govt.nz/
masyadong malaki ang ginastos ko in coming here pero nakarating ako dito less than three months lang po.Pero hwag mo na akong gayahin kasi nahihirapan akong magbayad ng utang ngayon, buti na lang may mababait na tao na tumulong sakin magpautang. Ang kita ko d2 is not enough kung magbabayad ka pa ng utang sa Pinas, pero kung wala kang intindihin na utang sa Pinas ay okay lang ang buhay. Sana nakatulong ako sau kahit papaano. God bless you.
By Anonymous, at 11:00 AM, December 07, 2006
Never ever use NewJobZ or Skills NZ to immigrate or to find a job in New Zealand
I entered a contract with NewJobZ / Stu Macann & Associates Limited / Skill NZ (claims to be “employment and immigration consultant”) in April, 2006. The contract stated that, I have to pay a fee of NZD$3000.00 + 175.00 (GST) in order for them to find me a suitable full time job in New Zealand. The contract states that if they (NewJobZ) are not able to find me a job in 180 days, they will refund me NZD$2000.00. The fact is that they failed to find me a job; in fact I didn’t even receive an interview call through them.
After 180 days, I contacted them for refund of NZD$2000.00, but they refused to repay me back, saying that the Company's goodwill and intellectual property including the trade name NewJobZ has been bought by Skills New Zealand Limited. They also informed me that, Skills New Zealand Limited does not and will not accept any obligation in respect of the amount owing to you by NewJobZ (Stu Macann & Associates Limited).
So I contacted Citizen Advice Bureau. Their investigation found that both these companies were owned by the same people and that Skills NZ was registered in November. I came to New Zealand as a student and when I made the payment to NewJobZ, I had to borrow it from my friends. So I would like to get back the money (NZD$2000.00) that NewJobZ owes me.
By Anonymous, at 7:22 PM, December 13, 2006
Post a Comment
<< Home