mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Friday, June 30, 2006

Anonymously yours, Randy

What would you do if the person you love is already married? This is the situation Randy (not his real name) found himself in. He sent me an email about his dilemma. I've changed some of the details so as to protect the true identity of the sender. I'll post my reply later. Meanwhile, readers out there, baka may maipapayo kayo kay Randy. Here's what he said:

Ka Uro, pagkabasa ko nung liham ni Linda at nung inyong sagot sa kanya, napagpasyahan kong ako naman ang mang-istorbo sa inyo. Pasensiya na po. Wala po kasi akong ibang mapagbalingan ng aking problema.

Beinte siete anyos at binata pa po ako, pero may GF sa Maynila. Plano na nga po namin magpakasal sa Disyembre. Engineer ako at madalas madestino sa iba-ibang bahagi ng Pilipinas.

Nagumpisa ang problema ko nang madestino ako sa Mindanao. Doon po may nakilala akong kapwa engineer na babae. Madalas po kaming nagkakasama sa mga site inspections at dahil dito nakagaanan ko siya ng loob. Mahal ko naman po ang aking GF, pero sa umpisa pa lang parang iba na ang naramdaman ko sa babaeng ito. Ang sarap niyang tumawa at napaka-malambing po kasi niya.

Minsan ginabi kami sa project at kami lang dalawa ang naiwan sa opisina. Habang kami’y nagkukwentuhan napasandal siya sa aking balikat. By instinct siguro bigla akong napa-akbay sa kanya. At nang masamyo ko ang kanyang perfume, hindi na ako nakapagpigil pa at naramdaman ko na lang na naglapat ang aming mga labi. Doon po nagsimula ang lahat. Magmula noon marami pang beses itong na-ulit. Subalit, hanggang kissing at petting lang po naman.

May dahilan po kung bakit nagpipigil kaming dalawa. Siya po’y meron nang asawa’t isang anak. Naging close pa nga po ako sa pamilya niya at ginawa pa nila akong ninong sa binyag ng kanilang anak. Yan po ang malaki kong problema. Hindi ko alam kung hanggang kailan kami makakapagtimpi at maitatago ang aming ugnayan. Katoliko po ako at alam kong mali ang aming ginagawa, pero tao lang po ako. Marupok.

Kung papayag siyang hiwalayan ang kanyang pamilya at sumama sa akin, nakahanda naman po ako. Pero pinag-iisipan ko pa kung tatanungin ko siya tungkol dito. Sabi niya mahal daw niya ang kanyang asawa at anak, kaya ayoko naman siyang i-pressure. Naguguluhan ako Ka Uro. Di ko alam ang dapat kong gawin. Napamahal na rin po kasi siya sa akin, bagamat mahal ko pa rin ang aking GF. Sana po, mapayuhan niyo ako sa aking suliranin.

Anonymously yours,

Randy


Tuesday, June 27, 2006

If a tree falls in the forest and no one is around does it make a sound?

I remember our Psychology 101 teacher asking the above question. A lively discussion ensued. Each student giving a different answer. I remember giving out a somewhat scientific answer about sound waves, blah, blah, blah.

Now 25 years later and 17 years of marriage bliss, I’ve come to the conclusion that the answer to the said question is both Yes and No. From the tree’s and air’s viewpoint, yes, sound was produced. But from a person’s viewpoint, since no one was there to hear and record that sound, it was total silence.

To give more relevance to the question allow me to interpret it in everyday context. Sa opis, o sa bahay, kung may nagawa kang maganda, pero wala naman nakaalam nito, nangyari nga ba ito? Sa viewpoint mo, siempre, nangyari ito. Pero sa viewpoint ng iba, parang walang nangyari. Others may benefit from what you did, but since no one knows you did it, you don’t get the credit. Worse, others may even grab the credit. Other people's impression of you remains unchanged.

You see, perception creates impression. You are liked or disliked based on what people know about you. If you want to be liked, make a favorable impression of yourself. Such truth can not be discounted in a husband-wife relationship. Therefore, the husband should always try to make a good impression on the wife.

For instance when doing housework, always make sure that your wife is made aware of what you did. If you washed the dishes or did the laundry without her knowing it, then it’s not counted. Wala kang pogi points kapag ganoon. If you want pogi points, you have to let her know about it. The more pogi points you have, the more likely will she continue to like you. And the best way to let her know about your accomplishments at home is to announce it. You can say “honey, paaandarin ko na ang washing machine”, “love, magsasampay na ako”, etc. In other words, don’t just do the work. Reinforce it by words, to make sure the work doesn’t go unnoticed.

Another secret I've discovered about our wives is that sometimes, enough na na maging thoughtful tayo. Big deal para sa kanila na magpakita tayo ng ating pagiging maaalahanin. Thoughtfulness is not only remembering important dates. Thoughtfulness can be manifested daily.

Let’s say your wife is busy preparing dinner while you are idle, doing nothing. Go over to her and ask her “Sweetheart, anything I can do to help?”. Naks, di ba? Very gentleman ang dating. Wala ka pang ginagawa, may pogi points ka na kaagad diyan. At kahit alam mo naman ang dapat mong gawin, ask ka pa rin. Because by simply asking the question, you’re making sure that whatever happens next, makatulong ka man o hindi, nag-register na sa mind niya na matulungin at thoughtful kang asawa.

Finally, if you are sincere in lending a hand, ask her the question while she appears starting or in the middle of doing the housework. Kung hindi ka naman sincere, hintayin mo kapag patapos na siya sa kanyang gawain bago mo siya tanungin... And hope she doesn't notice. Hehe.

Monday, June 19, 2006

Lessons from a Garden Hose

Below is a picture of a garden hose. The tap is closed kaya walang tubig na lumalabas. What do you think will happen if someone opens the tap? Hindi po trick question ito? Common sense lang. The hose nozzle if it’s open will discharge a jet of water and if left unrestrained will move backwards and side to side in erratic fashion.

Photobucket - Video and Image Hosting

If you are holding a hose with water running through it and the hose has no nozzle, how do you make the water eject a farther distance? Simple lang di ba? You try to reduce the opening at the end using your fingers. By reducing the opening, the flow velocity increases, thereby making the water discharge a farther distance. Now, there is a proper technique of doing this if your objective is to cause the longest trajectory. Done improperly with one’s fingers, water will jet out in scattered manner as in the picture below.

Photobucket - Video and Image Hosting

Now where is this post going? Ganito po kasi yon. Minsan sa isang gathering, narinig kong naguusap si esmi at ang iba niyang amigas. As usual, favorite topics nila ang kanilang mga mister. More specifically, ang mga kapalpakan at mga complaints nila sa kanilang mga mister. Sabi ni Amiga 1, “Hay naku, sawang-sawa na akong maglinis ng toilet. Yan kasing si E, kapag umihi, daming patak sa bowl at sa floor.”. Second the monyo na man si Amiga 2, “Oo nga, kakainis. Ba’t kaya ang mga lalaki hindi nila mai-shoot ang kanilang ihi sa bowl?”.

Hindi na ako sumabat sa kanilang girl-talk. I could see how they were relishing those moments whenever they talk about the faults of the male species. Gusto ko sanang sabihin sa kanila na kaya matalsik ang buga ng wee-wee ng kanilang mga asawa ay dahil mali ang technique nila ng pag-wee-wee. Kung sasabat ako, baka naman ipa-demonstrate pa sa akin. Hehehe. So nakitawa na lang ako.

So papaano ba ang tamang technique ng pag-wee-wee? Kayong mga babaeng mambabasa, i-eksplika ninyo sa inyong mga asawa, boyfriend, at mga anak na lalaki para hindi kayo umuupo sa basang toilet seat. Sa mga lalaki naman, be considerate to your wives or mums, especially kung hindi naman kayo ang naglilinis ng toilet, by following these rules on the proper way to pee.

Rule number 1: Always hold your “thingee” properly. If you don’t hold it, it will be like an unrestrained hose spewing liquid everywhere. At the very least, hold it so that most of the liquid is aimed at the center of the bowl.

Sometimes, rule 1 is not enough to avoid wayward droplets. Yung iba kahit anong gawing pag-aim sa bowl, may talsik pa rin. This is because the opening at the end of the “thingee” is actually not round, but elongated. Imagine a miniature vagina placed at the end of a man’s penis, ganun yon. Kaya yung buga ng wee-wee, usually elongated din, hindi bilog. Minsan sabog tulad nung nasa picture sa taas. This is why, men need to follow Rule number 2. ALWAYS.

Rule number 2: The proper way of holding the “thingee” is to slightly pinch the top end of the head’s opening with one’s fingers so that the opening is slightly restricted. (Sorry po, wala akong picture nito. Gamitin nyo na lang imagination nyo. KD, baka naman pwede mo akong gawan ng graphics nito). By pinching the top end, you are in effect making the opening smaller and less elongated. Thereby, causing the wee-wee to be more convergent. Hindi sabog.

Rule number 3: Pagkatapos jumingle, tap the “thingee” slightly, or ipagpag ng marahan para mahulog yung last drops. Do this gently para ma-shoot din yung huling patak sa bowl.

Yan po mga kaibigan ang sekreto ng tamang pag-wee-wee. I won’t be surprised if lots of men only follow rules 1 and 3, but not rule 2. Tanungin niyo man ang mga mister niyo. Or better, panoorin niyo kung paano sila mag-wee-wee. If they don't follow the 3 rules, pitikin niyo mga b*yag nila. Sabihin niyo utos ni KU. Ako, I only realized Rule 2 after finishing a class in Hydraulic Engineering. Hindi naman po kasali yan sa curriculum. Basta natuklasan ko lang minsan habang pinapanood ko ang sarili kong wee-wee at nag-iisip ng practical applications ng fluid mechanics. My last advice for men who can’t follow Rules 1, 2, and 3: Refrain from urinating in standing position. Just do it sitting down (but not in public, ok?).


Wednesday, June 14, 2006

My BBM Part 2 (Rated PG)

(Paki-basa muna ang Part 1 sa baba kung di pa ninyo nabasa)

Mamya, punta ako sa Khobar, sama kayo?” yaya ni Arnold sa akin at sa ka-opismeyt kong si Tolits. “Sige” sabi naman namin. Huwebes yon ng hapon. Sa Saudi kasi, Huwebes ng gabi ang umpisa ng weekend, at Biernes ang day off ng lahat, not Sunday. May kotche si Arnold at nakakapag-drive siya sa Saudi. Kami wala, kaya kapag may nag-imbita sa amin, call kami kaagad. Yun lang ang libangan namin sa Saudi kada weekend. Ang magpunta sa Al Shula mall sa kalapit na bayan ng Al Khobar, kumain ng Thai food, at mag-window shopping.

Pagkatapos mag-malling dinala kami ni Arnold sa kanyang tinutuluyan at pinakita ang kanyang quarters. Sa dingding, nakadikit ang mga letrato ng kanyang misis. Sa gawing sulok naman may bench press at isang set ng bar bells at dumb bells. Yon daw kasi ang hilig niya, mag-body building.

Pagkaraan ng ilang oras, inihatid na kami ni Arnold. Tumuloy na si Tolits sa kanyang quarters. Si Arnold naman, dahil malayo-layo din ang uuwian, tumambay muna sa aking quarters at doon nakipagkwentuhan habang nanonood kami ng TV. Hindi namin namalayan ang paglipas ng oras. Aba, alas nuwebe na pala. Sarado na ang gate ng site at hindi na siya makaka-uwi. Bilang pagmamagandang-loob sinabi ko na doon na matulog at bumiyahe na lang ng madaling araw.

Okay naman sa kanya. Sa kama ako at siya nama’y sa lapag. Binigyan ko siya ng kumot at unan at nagpatay na kami ng ilaw. Madilim ang room pero may sinag ng buwan pumapasok mula sa nag-iisang bintana. Nag-start na akong matulog. Naiidlip na ako, nang ...

Maya-maya’y may naramdaman ako sa aking hita. Napamulagat ako sa kadiliman. Ano yon? Tumingin ako sa ibaba, sa gawi ni Arnold at naaninag ko ang kamay niya nakapatong sa aking hita. Binale-wale ko yon. Baka naman nananaginip lang. Marahan kong tinanggal ang kamay niya sa pagkapatong sa aking hita.

Nag-emote na naman ako sa pagtulog. Maya-maya’y naramdaman ko na naman ang kamay ni Arnold. Aba! Hindi na sa hita. Sa may itaas na ng hita! Pinakiramdaman ko kung siya’y tulog at nananaginip lamang. Subalit, nawari ko na hindi siya tulog. Dahil narinig ko ang mabilis niyang paghinga. At pagbalikwas ko para tingnan siya, shock ako sa aking naaanig sa dilim. Ang tarantadong ito, hawak-hawak ang kanyang naghuhumindig na baston at ako pala’y kanyang pinag-seseks-tripan! Kinabahan akong bigla. Anong gagawin ko? Pano kung maniak ito at rape-in ako, pagkatapos sakalin na lang ako? Mas malaki siya sa akin. Hindi ko siya kaya.

Isip, isip. Nanginginig at nanlalamig na ako sa puntong ito sa nerbiyos. Di ko alam ang aking gagawin. Bahala na. Nilakasan ko na ang loob ko. Tumayo ako, sabi ko iihi muna ako, labas lang ako sandali. Hindi siya umimik. Lumabas ako at tumakbong paaalis. Ginising ko si Tolits, sabi ko dun muna ako makikitulog at bukas ko na ipapaliwanag. Nanginginig pa rin ako sa takot. Kinabukasan pagbalik ko sa aking quarters, wala na si Arnold.

Yun ang huling pagkikita namin ni Arnold. Hindi na rin siya nagawi pa sa aking cubicle sa opis mula noon. Hanggang nung time na lisanin ko ang Saudi, kami lang ni Tolits ang nakakaalam sa lihim ni Arnold. Bakla kaya siya o maniak na dahil sa sexual deprivation kahit katulad niyang lalaki’y kanyang papatulan? Naisip ko ang kanyang asawa. Kawawa naman. Ano kayang mararamdaman ng misis ni Arnold kung malamang mahilig din ang asawa niya sa talong?

Isang taon at walong buwan lang ang inilagi ko sa Gitnang Silangan. Hindi ko na nga tinapos ang dalawang taon kong kontrata. Ayoko na, baka pati ako maghanap na rin ng talong.

Monday, June 12, 2006

My BBM (Rated PG)

Nung nakaraang linggo may nagpahiram sa amin ng DVD nung pelikulang Brokeback Mountain (BBM). Heto yung pelikula tungkol sa lab istori ng dalawang koboy. It’s a story about homosexuality. Marami itong natanggap na awards sa nakaraang Oscars, kaya medyo naintriga ako. Ano nga ba ang nakita rito ng mga critics at nabigyan ito ng mga papuri?

Isinalang ko ang DVD at inumpisan naming panoorin ni esmi. Pagdating sa eksena na kung saan yung dalawang koboy ay matutulog na sa loob ng tent at nang akapin nung isang koboy ang kapwa niya koboy, at pormang maghahalikan ang dalawa, yikes! Very disturbing! Bigla kong in-off ang DVD. Di ko ma-take. Ayoko nang makita pa ang mga susunod na eksena.

Bakit kaya ganon, ano? For me (and most men, I’m sure), it’s a turn on to see two females doing it, but not two men. Makes me wonder if women feel the other way around. Do women prefer to see two males instead of two females together? Or are they turned on too seeing two gorgeous females doing their thing?

Anyway, I’m digressing here from the title. My BBM, because I wanted to share my BBM moment. I describe a BBM moment as one where you unexpectedly receive a sexual advance from someone of the same gender as you. It’s so unexpected because a) the other person is like a barkada to you, and b) outwardly, that person has never manifested any gay inclinations before.

Saan ko sisimulan ang aking kwento? Ganito yon, Ate Charo, taong 1989, nung ako’y madestino sa Gitnang Silangan. Nagtrabaho ako bilang computer programmer sa isang malaking construction company sa Saudi. Lahat ng nagtratrabaho sa job site puro lalaki, walang chicks.

Ang mga office staff na tulad ko at mga engineers, may sari-sarili kaming kwarto na gawa mula sa mga cargo containers. Bawat container nilagyan ng pinto, bintana at aircon. May kama, mattress, at maliit na mesa at isang upuan sa loob. Isang tao lamang kada kwarto. Komportable naman ang aming tulugan. Kada alas-siete ng umaga sinusundo kami ng bus para dalhin sa opisina at ihahatid naman sa hapon pabalik sa aming mga living quarters.

Isa sa mga naging kaibigan ko ay isang consultant engineer, na itago ko na lang sa pangalang Arnold. Ibang kumpanya ang pinagtratrabahuan ni Arnold. At pumupunta-punta lamang sa aming site araw-araw bilang consultant. Kapag nagagawi sa aking opis, nakikipagkwentuhan at madalas napaguusapan namin ang aming mga pamilya sa Pinas.

Nauna sa akin mag-Saudi si Arnold. Walong taon na siya sa Saudi. Ako, isang taon pa lang. Nung taong iyon, kababalik pa lang ni Arnold galing sa bakasyon sa atin upang magpakasal sa kanyang kasintahan ng limang taon. Ipinakita pa niya sa akin ang mga pictures ng kanyang kasal at pinagmalaki ang kanyang magandang misis. Maganda nga naman. Bagay sila. Matangkad si Arnold, siguro 5’11” ang height niya at dahil mahilig siyang mag workout, macho ang dating niya.

Macho sa labas lamang. Sa loob pala’y may kinikimkim na damdamin. I don’t know if that feeling he possessed was caused by hormonal imbalance or by basic animal desires. I’ll never know for sure. All I know is it happened unexpectedly...

To be continued muna, Ate Charo. Next time ko na lang ikukwento ang nakakarimarim na pangyayari. Sa ngayo'y hihingan sana kita ng tulong para ang kwento ko'y makarating sa iyong mga kakosa sa Hollywood. Harinawa'y mabasa nila at gawing basehan ng BBM2. Umaasa, ang iyong lingkod. K U

Tuesday, June 06, 2006

Seeing things from a child's perspective

Nung huling uwi namin, September, last year, 15 years old na ang anak namin. Limang taon lang siya nung una kaming umalis ng Pinas. Yung first uwi niya since then 9 lang siya, kaya medyo vague ang mga memories niya tungkol sa bansa natin.

Nakakatuwang makita ang amazement niya sa mga ordinaryong bagay na komon sa atin pero para sa kanya kakaiba.

Tulad nung unang gamit niya nung toilet sa bahay namin sa QC. Sira kasi yung flush nung bowl. “How am I going to flush my poo?” tanong niya. Sabi ko, “you fill up the timba with water, then buhos it” with matching gestures. Ginawa nga niya yon, kaso hindi mabuhat ang timba. So in the end, ang dakilang ama rin ang nag-flush para sa kanya.

Kinagabihan naman, pasok uli siya sa toilet. Binuksan niya ang ilaw. Maya-maya biglang nagtitili at patakbong lumabas. “There’s something crawling on the wall” ang sigaw niya. Tinignan ko. Meron nga. May La Coste. Butiki!

Finally natapos siyang mag-toilet. Mag-shower na raw siya. Pinihit yung left knob, yung right knob. Hinipo yung tubig. “Dad, why is there no hot water?” she asked. Paliwanag ko, “anak wala talagang hot water dito mainit na kasi sa Pilipinas”. Itinuro ko sa kanya kung paano maligo. Sabi ko punuin ang balde tapos gamitin ang tabo at ibuhos sa ulo at katawan. Ok na raw, gets na niya. Gets na nga niya, kasi maya-maya narinig namin kada buhos. “LAAMMMIIIIIG!”.

Nakakatuwa rin nung unang sakay namin ng jeepney papunta sa bayan namin sa Pampanga. Pagsakay namin sa jeep, kami ang una kaya andun kami sa pinakamalapit sa driver. Nung mapuno na ang jeep at may mga nakasabit pa napansin niya na wala na nga naman madadaan ang pasaherong gustong bumaba. “How are we going to get off?” tanong niya. “Through the window” pabirong sabi ko naman.

Pagdating sa bayan pumara kami ng tricycle. “How are we going to fit inside?” tanong na naman niya. Tapos nakita niya na umupo ako sa likod ng driver. “Ahh, that’s how” sabi niya.

I found it very amusing and refreshing seeing things from our daughter's eyes. But what’s more note-worthy was the fact the she never complained about the inconveniences she had to go through. She accepted the bad, the ugly, the yucky with the same gusto as she did the good ones. I guess that was one reason why she thoroughly enjoyed her stay in the Philippines.

I believe, children in general adapt to their environments much easier than adults. Maybe because they have no pre-conceived notions of how things ought to be and therefore they are more receptive to unfamiliar things. When faced with something different from what they are accustomed to, first they ask questions, then they learn to adjust to it. We, adults, especially when moving in to a new country, should learn from children. We should learn to see new things from a child’s perspective. Accept things as they are. And quit complaining if things are different. Then like children it becomes easier for us to be happy.



 
eXTReMe Tracker