mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Wednesday, September 27, 2006

Qualms about Kiwi Justice

Halimbawa may magnanakaw na pumasok sa iyong bahay. Nakita mo’t nahuli sa akto. Anong gagawin mo?

Kung nasa-Pinas tayo, malamang bugbog sarado ang salarin. Sa atin ang mga pick-pockets, snatchers at shop-lifters kapag nahuli sigurado gulpi muna. Parang SOP yata sa atin yon. Kung hindi man ang mga nakahuli ang gugulpi, mga pulis sa presinto na ang gagawa noon. Kung sabagay, hindi man dumaan sa korte ang kaso para masintensiyahan, dahil sa sakit ng pagkagulpi malamang madala na ang magnanakaw. At least hindi kasing lupit sa Saudi kung saan pinuputulan ng kamay ang mga magnanakaw.

Dito sa NZ, nakakapanibago dahil kakaiba ang kanilang hustisya pagdating sa mga petty criminals compared sa nakasanayan natin sa Pinas. Dito, kahit magnanakaw may human rights. Kapag may pumasok na magnanakaw sa iyong tahanan, hindi mo pwedeng i-manhandle. Di pwedeng saktan. Pwera na lang kung self defence at ikaw ang unang in-attack. Dahil kapag nasaktan mo siya, pwede ka pa niyang ihabla ng assault causing physical injury. Ayon sa mga Kiwi, material na bagay lang naman daw ang ninakaw. Mas mahalaga raw ang buhay ng tao at hindi dapat ilagay sa alanganin kahit buhay ng magnanakaw.

Parang ang hirap yatang hindi gumanti sa isang taong sapilitang pumasok sa iyong tahanan at nag-violate ng iyong privacy. Ibig yata nilang mangyari pagbukasan ko pa ng pintuan at gate para siya maka-eskapo ng maayos!

Heto pa ang isang bagay na hindi ko maintindihan dito. Yung mga shoplifter o snatcher kahit nakita mong ibinulsa nila ang ninakaw nila, kapag nahuli ng may ari hindi sila pwedeng kapkapan. Ang pwede lang gawin, tanungin sila kung nasaan ang ninakaw at pakiusapan na sila mismo ang maglabas ng laman ng kanilang bulsa. Kung ayaw nilang umamin, maghintay ka na lang ng pulis.

At heto pa. Kung menor de edad ang salarin, halimbawa 16 years old lang, malamang bibigyan lang ng warning at hindi ikukulong. Sabi nga ni Pareng Ramir, parang mga isda. Dito kasi kapag nag-fishing ka at undersize ang nahuli mong isda, pinakakawalan, para lumaki pa at dumami. Ala eh, kaya yata dumadami din ang mga minors na gumagawa ng petty crimes. The sad thing is that most of these minors tend to become repeat offenders and graduate to more serious offenses like rape and murder.

Dapat siguro, kung menor de edad, bigyan ng warning sa first offense. Kapag umulit pa, ikulong na… kasama ang mga magulang.

Friday, September 22, 2006

Ginisa sa Sariling Mantika

Napag-uusapan din lang ang sari-saring raket ng pagpunta sa NZ, eto pa ang isa. This time ibahin naman natin ang bida, este kontra-bida. Masyado nang nagiging star si Kaloy. Meet Gors (as in Goryo), pinsan ni Kaloy sa pagiging raketista.

Ganito naman ang MO ni Gors. Sa halagang $6000 for processing ikukuha niya ng visa papuntang NZ and aplikante. Student visa nga lamang. Kasi mas madali daw ang makakuha nito compared sa work visa o tourist visa.

I-eenrol ni Gors ang aplikante sa isang school sa NZ. Nga pala, hindi pa kasama sa binayad na $6k ang tuition fees. Iba pa yon, kasi depende sa course at sa school. At dapat bayaran in advance ng aplikante and tuition fee for at least 6 months. Malamang nasa $5k, at least, ang halaga nito.

Legal naman lahat ang serbisyo ni Gors. Siya ang makikipagusap sa school at magpapadala ng bayad sa tuition fees. Tapos, ginagarantiya niyang makakakuha ang aplikante ng student visa. Soli, bayad kung walang tatak ng visa sa passport.

Balita ko, marami nang napaalis si Gors papuntang NZ sa ganitong paraan. Ang karaniwang sinasabi ni Gors sa kanyang mga na-raket na madaling i-convert into work visa ang student visa at kung may work visa na pwede nang mag-apply ng permanent resident visa. Meron nga lang siyang mga ilang bagay na sadyang kinakaligtaan banggitin sa mga nabiktima niya. Una, hindi ganon kadaling makahanap ng job-offer na related sa course. Pangalawa, kung si Gors ang maghahanap ng job offer para sa aplikante, additional na bayad na naman. Kada utot nga ni Gors, may-bayad.

Ilan sa mga nakilala kong nabiktima ni Gors, napabalik na sa Pinas sa dahilang wala silang nakitang trabaho pagkatapos nilang mag-aral. Yung iba nama’y patuloy pa rin na nag-eenrol para lamang ma-extend ang kanilang student visa at hindi pauwiin. Pero wala pa rin katiyakan kung anong mangyayari kapag sila’y nakatapos ng kanilang course.

Heto pa ang masaklap. Ang hindi alam ng mga nabiktima ni Gors na actually, hindi nila kinailangan ang isang katulad ni Gors upang makakuha ng Student Visa papuntang NZ. Pwede naman kasing sila na lang mag-isa ang naghanap at nakipag-correspondence sa school at nagbayad ng fees. Madali naman gawin ito online o via email o internet. Hindi na kailangan ng agency pa. Tapos kapag nakabayad na ng fees at may resibo na, i-present lang ito kasama ng kanilang pasaporte sa NZ Embassy para matatakan ng Student Visa.

Kung alam nila yon nakatipid sana sila ng $6k. Minsan di ko alam kung sinong dapat sisisihin. Ang manloloko ba o ang mga nagpapaloko? Mabuti pa nga ang mga loko-loko, di na naloloko. Ah ewan.

Tuesday, September 12, 2006

Babala: Bagong Raket ni Kaloy

Naikwento ko na kung paano naging milyonaryo si Kaloy sa pamamagitan ng Pyramid Scheme. Heksuali, maliban doon may iba pang raket si Kaloy. Nakaka-bilib ang isang raket na ito ni Kaloy dahil raket nga na masasabi pero legal pa rin. Basahin ninyo. Nawa’y may matutunan kayo. Huwag na lang sanang gayahin.

Doon sa lalawigan ni Kaloy, marami siyang na-meet na gustong mag-migrate sa NZ. So ang ginawa ni Kaloy, pinag-aralan niya ang proseso ng pag-migrate papuntang NZ. Napag-alaman niya na ang isa sa pinakamadali at mabilis na paraan para makakuha ng work visa o residence visa sa NZ ay ang makahanap ng Job Offer (JO) mula sa isang NZ employer.

Ang kaso, hindi madali ang makahanap ng employer na willing magbigay ng JO sa mga overseas applicants. Karamihan kasi ng employers gusto nila ma-interview muna nang harapan ang aplikante.

So naisip ni Kaloy ang magtayo ng isang job placement agency na siyang maghahanap ng JO para sa aplikante. Ang singil niya, $300 for membership, tapos $3000 down payment para simulan ang paghahanap ng trabaho. Tapos kapag nasa NZ na ang aplikante, additional $3000 uli. Para naman may peace of mind ang mga aplikante, ni-promise ni Kaloy na kapag hindi sila naihanap ng trabaho, pwedeng mag-quit ang member anytime at 100% money back guarantee.

Fair naman ang proposal ni Kaloy, di ba? Soli bayad, kung hindi satisfied. Minimal risk para sa applicant. Dahil dito marami ang sumapi at eventually naging profitable ang raket ni Kaloy. Kahit may mga members ang nagku-quit at humingi ng refund, meron pa rin naman mga bagong sumasapi. Imagine na lang na kung isang libo ang members at any given time, that is 1000 taymis $3000 equals $3 million in the bank! Bongga, di ba?

May napapaalis naman ba si Kaloy papuntang NZ? Maybe only 1 out of every 1000 applicants. To Kaloy, it doesn’t matter because he’ll continue to make money even if no placements are made. Dun lamang sa interests nung mga perang ibinayad sa kanya, kita na siya nang malaki.

Recruiters use this scheme to make money, not from the number of applicants they are able to place successfully, but by simply signing up lots and lots and lots of applicants and collecting money from them in advance. Imagine, if there are 100 applicants for every 1 job opening. Collect placement fees of P10,000 each from the 100 people; that’s P1 Million. Put the money in a term deposit for say 5% interest for 3 months. After 3 months, give the job to 1 person (usually kamag-anak pa!); refund the money to the other 99 applicants, para hindi mag-complain at walang mag-habol. The recruiter still ends up with the interest from the 1 million, which is 5% or P50k. The recruiter can continue operating this way and make money without breaking the law. Hindi ko alam kung may batas laban dito.

The last I heard about Kaloy’s raket is that he has gone global. With a few partners from NZ and a good web designer, they set up a new company with a website that actively recruits members from all over the world, promising job placements in NZ. Ang pangalan yata nung kumpanya nila NewJobz.

Friday, September 08, 2006

Anong nationality ang madali or mahirap pakibagayan sa NZ?

Na-grab yung attention ko nung tanong na ito ng isang groupmate sa Pinoys2NZ. I'll try to answer the question by enumerating what I think about each nationality found in NZ.

  • European – Majority ng mga tao dito sa NZ, mga European na galing ng UK. Pakeha ang tawag ng mga Maori sa kanila. Mabait ang mga Pakeha, lalo na yung mga matatanda. Kapag nasalubong mo sa daan, ngingitian ka at babatiin pa ng “Good morning”. Pero meron din mangilan-ngilan ang ayaw makisalamuha sa mga hindi puti. Sila yung mga hindi pabor sa mga dayuhan lalo na sa mga asyano.
  • Maori – Sila ang mga natives ng NZ. May mga Maori, sa physical appearance pa lang matatakot ka na. May mga tattoo, rough ang dating at parating pagalit ang mukha. Kung magsalita lahat ng sentence nila may “F” word. Hindi mo sila masisisi kasi ganun ang environment na kinagisnan nila sa kanilang mga magulang. Pero napansin ko na kapag nakilala mo sila personally, okay naman sila. Sa tingin ko medyo aloof din sila sa mga asyano. Kaya dapat lang na tayo ang unang gumawa ng move para makilala nila tayo.
  • PI – o Pacific Islanders. Ang mga PI yung mga galing sa mga maliliit na Polynesian islands na nakapaligid sa NZ, katulad ng Fiji, Samoa, Tonga, Tahiti, etc. Ang pinakamaraming PI yung mga galing ng Samoa at Fiji. Madali naman pakisamahan ang mga Samoan. Yung kultura nila parang sa atin din. Close sila sa mga pamilya at marami din sa kanila ang Katoliko. Yung mga galing naman ng Fiji, dalawang klase. May Fijian Indian (FI) at may native na Fijian. Yung FI, mga galing India na lumaki sa Fiji. Marami nagsasabi na okay ang mga native Fijian, but not the FIs. May naging opismeyt nga ako na FI. Napansin ko nga na makwenta sila sa trabaho. Parating late at absent, tapos ma-complain pa sa trabaho. Maraming nagsasabi na tamad ang mga PI. Siguro dala ito ng relaks na lifestyle sa mga islands kaya pagdating dito gusto rin nila pa-relaks-relaks lang na trabaho.
  • Chinese – sa mga asyano naman, ang pinaka marami ang Chinese. Wala akong problema sa pakikisama sa mga Chinese, except mahirap intindihin kasi mostly hirap mag-english. Most Chinese ang tendency nila, sa kapwa intsik lang sila nakikihalubilo, kaya limited lang ang prendship ko sa kanila.
  • Indian - Katulad ng mga Chinese, ang mga Indian marami din business dito. Marami may ari ng maliliit na tindahan at fastfoods. Ang mga professional na Indian mabait, masipag at madali din kaibiganin. Madaling kausap, kasi magaling sila sa inglis.
  • Koreans, Malaysians – aside from fellow kababayans, eto ang mga favorite ko sa mga Asians kasi very friendly sila. Siguro dahil kapareho rin natin na mga immigrants at mostly mga professionals din. At katulad natin, masisipag din at hindi makwenta sa trabaho. Katulad din natin, yung mga Malaysians, may mahilig din sa tsismis at sila-sila kung minsan nagkakasiraan at nagkakainggitan. Di yata mawawala yon kahit anong nationality.
  • Thai, Cambodian, Vietnamese – karamihan sa mga ito pumasok sa NZ as refugees. Most of them are not professionals, pero marami nakapagtayo ng mga business dito. Mabait at masisipag din sila at madaling pakisamahan.

Kung anuman ang mga nasabi ko, base lamang ito sa aking limited na experiences at sa mga naririnig na mga kwentong barbero dun sa hairdressing salon ni August (matching plugging pa!). Ang ating pagkatao ay hindi lamang nahuhubog ng ating kultura o bayang pinanggalingan. Malaking bagay din ang edukasyon, pamilya, relihiyon, mga kaibigan, past experiences, past girlfriends, at mga personal choices natin sa buhay. In other words, we are all unique. We all have the power to be different or the same as the people around us. Kaya sana don't take everything I said as generalizations.

Friday, September 01, 2006

Facts/Myths About Life in Saudi Arabia

I was once an OFW, way back in the 80s. I worked with Societe Auxiliare d’ Entreprises (SAE) in Saudi Arabia. Sandali lang naman ako doon, less than two years lang. Kaya kung ano man ang alam ko tungkol sa lugar at mga tao doon hindi ko masasabing lahat totoo. Maaaring impression ko lang base sa mga nasagap na kwento-kwento mula sa mga taong na-meet ko doon. Heniwey, heto ang ilan sa mga natatandaan ko tungkol sa Saudi. Hopefully, ngayong naisulat ko na ang mga ito, may mga mas nakaka-alam ang makapagsasabi kung alin dito ang facts at alin ang myths.

  1. Hindi nagbabago ang conversion rate ng pera nila sa US dollar.
  2. Super init sa summer, malamig naman sa winter. Walang season na in-between ang lamig at init.
  3. A foreigner driver is always the one at fault in any car accident, kahit kung siya ang binangga. Ang logic nila dito, kung hindi ka pumunta ng bansa nila, hindi ka sana nila nabangga.
  4. It is a crime to attempt suicide. Kung nag-attempt ka na magpatiwakal at hindi ka namatay, makukulong ka. Nasaksihan ko ito nung mag-slash ng sariling leeg ang isang kasamahan namin. Di siya namatay. After sa ospital sa kulungan naman.
  5. They use a different calendar which is around 600 years younger than ours. Sa ating kalendaryo 2006 na. Sa kanila year 1427 pa lang.
  6. Umpisa ng week nila is Saturday. Biernes doon, walang pasok. Parang Sunday sa atin.
  7. Kung magsulat sila from right to left, except when writing numbers, which are written from left to right same as our way of writing.
  8. Bawal mag-usap ang babae at lalaki na hindi mag-asawa sa public places.
  9. Bawal din tignan ang babae na may kasamang asawa. Pwede kang bugbogin o isumbong sa pulis.
  10. Censored ang lahat ng palabas sa TV. Maging ang mga magazine. Ang mga advertisements halimbawa ng shampoo o sabon na may picture ng mga babae na litaw kahit legs lang, sinusulatan ng pentel-pen.
  11. Wala akong nakitang sinehan doon.
  12. Sa mga buses nila, ang mga lalaki nasa harapan. Ang mga babae nasa likuran. May division ang mga bus para di magkakitaan ang babae at lalaki.
  13. Bawal pumasok sa mga tindahan ng mga alahas at ginto ang mga boys. Babae lang ang pwede.
  14. If you want to meet girls, dapat magpa-ospital ka muna. Kasi doon maraming nurses.
  15. Delikadong maglakad nang nag-iisa ang mga lalaki lalo na kung gwuapo, maputi at walang facial hair. Bakit kaya?
  16. Bawal ang sugal doon. Pero may jueteng. Mga Pinoy ang kubrador at jueteng lord.
  17. Marami na rin sa mg Arabo ang marunong mag-tagalog. Pagpasok mo sa kanilang tindahan babatiin ka ng “magandang umaga, kabayan”.
  18. Heto pa siguro ang natutunan nila sa mga Pinoy. Tumatanggap na rin daw ng lagay ang mga highway patrol. I haven’t witnessed this though.
  19. Kapag nahuli kang gumawa ng krimen, you are assumed guilty until proven innocent.
  20. Kapag nahuli kang nag-nakaw, puputulan ka ng kamay. Kung adultery o rape naman, puputulan ka ng … ewan.

Mahirap ang buhay doon. Yet I admit I enjoyed my stay there in spite of the harsh environment. I enjoyed the place because I was in the company of friends -- fellow kababayans. Goes to show that more often it’s not the place that makes a home, it’s the people you’re with.


 
eXTReMe Tracker