mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Wednesday, September 27, 2006

Qualms about Kiwi Justice

Halimbawa may magnanakaw na pumasok sa iyong bahay. Nakita mo’t nahuli sa akto. Anong gagawin mo?

Kung nasa-Pinas tayo, malamang bugbog sarado ang salarin. Sa atin ang mga pick-pockets, snatchers at shop-lifters kapag nahuli sigurado gulpi muna. Parang SOP yata sa atin yon. Kung hindi man ang mga nakahuli ang gugulpi, mga pulis sa presinto na ang gagawa noon. Kung sabagay, hindi man dumaan sa korte ang kaso para masintensiyahan, dahil sa sakit ng pagkagulpi malamang madala na ang magnanakaw. At least hindi kasing lupit sa Saudi kung saan pinuputulan ng kamay ang mga magnanakaw.

Dito sa NZ, nakakapanibago dahil kakaiba ang kanilang hustisya pagdating sa mga petty criminals compared sa nakasanayan natin sa Pinas. Dito, kahit magnanakaw may human rights. Kapag may pumasok na magnanakaw sa iyong tahanan, hindi mo pwedeng i-manhandle. Di pwedeng saktan. Pwera na lang kung self defence at ikaw ang unang in-attack. Dahil kapag nasaktan mo siya, pwede ka pa niyang ihabla ng assault causing physical injury. Ayon sa mga Kiwi, material na bagay lang naman daw ang ninakaw. Mas mahalaga raw ang buhay ng tao at hindi dapat ilagay sa alanganin kahit buhay ng magnanakaw.

Parang ang hirap yatang hindi gumanti sa isang taong sapilitang pumasok sa iyong tahanan at nag-violate ng iyong privacy. Ibig yata nilang mangyari pagbukasan ko pa ng pintuan at gate para siya maka-eskapo ng maayos!

Heto pa ang isang bagay na hindi ko maintindihan dito. Yung mga shoplifter o snatcher kahit nakita mong ibinulsa nila ang ninakaw nila, kapag nahuli ng may ari hindi sila pwedeng kapkapan. Ang pwede lang gawin, tanungin sila kung nasaan ang ninakaw at pakiusapan na sila mismo ang maglabas ng laman ng kanilang bulsa. Kung ayaw nilang umamin, maghintay ka na lang ng pulis.

At heto pa. Kung menor de edad ang salarin, halimbawa 16 years old lang, malamang bibigyan lang ng warning at hindi ikukulong. Sabi nga ni Pareng Ramir, parang mga isda. Dito kasi kapag nag-fishing ka at undersize ang nahuli mong isda, pinakakawalan, para lumaki pa at dumami. Ala eh, kaya yata dumadami din ang mga minors na gumagawa ng petty crimes. The sad thing is that most of these minors tend to become repeat offenders and graduate to more serious offenses like rape and murder.

Dapat siguro, kung menor de edad, bigyan ng warning sa first offense. Kapag umulit pa, ikulong na… kasama ang mga magulang.

16 Comments:

  • yup, heard of this happening here too... grabe no?

    parang ito? where is justice here???

    By Anonymous Anonymous, at 1:15 PM, September 27, 2006  

  • exactly the same din ang nangyari dito kamakailan lang. may mga kabataan ang pumasok sa isang farm at ninakaw yung isang farm vehicle yata. binaril nung may-ari yung mga kabataan. dedo ang isa at ngayon may kaso yung owner ng farm ng murder.

    kakaiba ang justice natin dito sa southern hemisphere kumpara sa america ano? doon, nag-ti-trick or treating lang ang isang kabataan, binaril dahil daw tresspassing. hindi ko lang alam kung alin ang mas ok. ano sa tingin mo?

    By Blogger Ka Uro, at 1:37 PM, September 27, 2006  

  • "Kapag may pumasok na magnanakaw sa iyong tahanan, hindi mo pwedeng i-manhandle. Di pwedeng saktan."

    Pero... Puwede mo ba siyang bigyan ng merienda? :) :)

    By Blogger Blackdove, at 1:50 PM, September 27, 2006  

  • blackdove,
    sinabi mo pa. yung ibang magnanakaw talagang nag-memerienda muna bago umalis. kakainin ang laman ng fridge. pagkatapos mabusog makikigamit pa ng toilet. usually kasi sa umaga sila nag-aakyat bahay kapag wala lahat ang mga occupants.

    By Blogger Ka Uro, at 1:54 PM, September 27, 2006  

  • NZ has a Legal System, not a Justice System. They're not necessarily the same. Its because of the political correctness crap :)

    btw, you can subdue the offender until the police arrives. this has happened in the past.

    By Blogger NZed®, at 2:56 PM, September 27, 2006  

  • nzed,
    thanks for the correction. i'll keep that in mind para hindi ako matawag na un-PC.

    papano kung mas malaki siya? hirap yatang i-subdue na hindi mo siya sasasaktan. ipa-amoy ko siguro sa kanya yung medyas ko para makatulog siya. hahaha.

    By Blogger Ka Uro, at 3:10 PM, September 27, 2006  

  • dapat sa mga batang yan pinapakain sa tupa..hehe joke!

    By Anonymous Anonymous, at 4:48 PM, September 27, 2006  

  • Baka kailangang parang bisita trato sa mga magnanakaw dyan. Bibigyan mo pa ng kape o kaya juice. Pagkakatapos mag-ooffer ka pa ng pagkain bago siya umeskapo. Asensado naman mga magnanakaw dyan, makapunta nga dyan.

    By Anonymous Anonymous, at 5:23 PM, September 27, 2006  

  • Nakapagtataka nga ang situswong ito...I bet its what we call a heaven for petty thieves and robbers. Maybe if crime rate will worsen in New Zealand, then their government need to tighten up the law.

    By Anonymous Anonymous, at 5:59 PM, September 27, 2006  

  • ang hirap naman ng justice system jan lalo na sa mga minor, parang sila na rin ang nagkukunsinti na ulitin pa ang ginawa kasi walang parusa!

    tanong lang KU? sino ba mostly mga offenders jan, mga lokal ba or dayuhan?

    By Blogger Mmy-Lei, at 6:12 PM, September 27, 2006  

  • Dito rin may mga shoplifters na babae, ang dali kasing ipasok sa abaya. Pero di raw pwedeng basta kapkapan, bawal. Kaya yung iba nakakalusot.

    By Anonymous Anonymous, at 7:11 PM, September 27, 2006  

  • Tsk tsk tsk. Locals ba ang usual na gumagawa ng petty crimes dyan? Siguro masarap ang pagkain sa bilangguan dyan, at tsaka comfortable ang prison cells.

    By Blogger Lazarus, at 11:39 PM, September 27, 2006  

  • zen. no to violence pala ang principles dyan. pero dito din, medyo ganyan, if for example, me pumasok sa property mo at malas, nalunod sa pool, the owner could be charged kasi walang protection yung pool nya, that he puts other people in danger. o di ba..

    By Anonymous Anonymous, at 12:24 AM, September 28, 2006  

  • Shocked lang siguro tayo dahil iba ang mindset natin.

    As I see it, okay lang naman ang ganito sana lang ang Police nila ay mabilis umaksyon at malinaw ang paraan kung paano iko-correct ang mga nagkasala sa lipunan.

    Sa kuwento ni Ka Uro the only thing you can do is alert the authorities para gawin nila ang work nila. Safe nga naman ito para di ka rin malagay sa alanganin. Kung ikaw ay inatake dahil tumatawag ka sa Police pwede mo na sila birahin kasi self-defence na yun. Putting it this way, it makes sense din di ba?

    By Anonymous Anonymous, at 7:26 PM, September 29, 2006  

  • Minsan ksi mga kamag-anak lang ang magnanakaw kaya madaling makapasok. At kung material lang ang nanakawin ok lang ksi naka-insured naman kaya mapalitan ng bago. Diba ok yan! hehehe!

    By Anonymous Anonymous, at 3:02 AM, September 30, 2006  

  • kapag may magnanakaw dito sa usa at nahuli mo sila, puwede mo silang barilin kahit hindi ka nila sinaktan kasi you're defending your property, so yung ibang tao ang ginagawa they shoot the robber to death, sabi nga dito " dead man can't talk".....

    By Anonymous Anonymous, at 11:31 PM, November 04, 2006  

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker