mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Friday, September 22, 2006

Ginisa sa Sariling Mantika

Napag-uusapan din lang ang sari-saring raket ng pagpunta sa NZ, eto pa ang isa. This time ibahin naman natin ang bida, este kontra-bida. Masyado nang nagiging star si Kaloy. Meet Gors (as in Goryo), pinsan ni Kaloy sa pagiging raketista.

Ganito naman ang MO ni Gors. Sa halagang $6000 for processing ikukuha niya ng visa papuntang NZ and aplikante. Student visa nga lamang. Kasi mas madali daw ang makakuha nito compared sa work visa o tourist visa.

I-eenrol ni Gors ang aplikante sa isang school sa NZ. Nga pala, hindi pa kasama sa binayad na $6k ang tuition fees. Iba pa yon, kasi depende sa course at sa school. At dapat bayaran in advance ng aplikante and tuition fee for at least 6 months. Malamang nasa $5k, at least, ang halaga nito.

Legal naman lahat ang serbisyo ni Gors. Siya ang makikipagusap sa school at magpapadala ng bayad sa tuition fees. Tapos, ginagarantiya niyang makakakuha ang aplikante ng student visa. Soli, bayad kung walang tatak ng visa sa passport.

Balita ko, marami nang napaalis si Gors papuntang NZ sa ganitong paraan. Ang karaniwang sinasabi ni Gors sa kanyang mga na-raket na madaling i-convert into work visa ang student visa at kung may work visa na pwede nang mag-apply ng permanent resident visa. Meron nga lang siyang mga ilang bagay na sadyang kinakaligtaan banggitin sa mga nabiktima niya. Una, hindi ganon kadaling makahanap ng job-offer na related sa course. Pangalawa, kung si Gors ang maghahanap ng job offer para sa aplikante, additional na bayad na naman. Kada utot nga ni Gors, may-bayad.

Ilan sa mga nakilala kong nabiktima ni Gors, napabalik na sa Pinas sa dahilang wala silang nakitang trabaho pagkatapos nilang mag-aral. Yung iba nama’y patuloy pa rin na nag-eenrol para lamang ma-extend ang kanilang student visa at hindi pauwiin. Pero wala pa rin katiyakan kung anong mangyayari kapag sila’y nakatapos ng kanilang course.

Heto pa ang masaklap. Ang hindi alam ng mga nabiktima ni Gors na actually, hindi nila kinailangan ang isang katulad ni Gors upang makakuha ng Student Visa papuntang NZ. Pwede naman kasing sila na lang mag-isa ang naghanap at nakipag-correspondence sa school at nagbayad ng fees. Madali naman gawin ito online o via email o internet. Hindi na kailangan ng agency pa. Tapos kapag nakabayad na ng fees at may resibo na, i-present lang ito kasama ng kanilang pasaporte sa NZ Embassy para matatakan ng Student Visa.

Kung alam nila yon nakatipid sana sila ng $6k. Minsan di ko alam kung sinong dapat sisisihin. Ang manloloko ba o ang mga nagpapaloko? Mabuti pa nga ang mga loko-loko, di na naloloko. Ah ewan.

10 Comments:

  • yipee, una ako. KU, salamat sa mga expose mo. Ingat ka ha, baka magka-death threats ka.

    happy weekend.

    By Blogger jinkee, at 2:06 PM, September 22, 2006  

  • Very good advise- tutal lahat na ng information halos nasa www na, ito sana ang unang point of information ng ating mga kababayan. have a good weekend.

    By Blogger Vicky, at 3:35 PM, September 23, 2006  

  • Kawawa naman ang mga nabibiktima. Pinaghihirapang utangin ang pera para lang makapagpasasa ang iba.

    Happy weekend Ka Uro!

    By Blogger Unknown, at 7:43 PM, September 23, 2006  

  • mr. expose pahihiram ko sa yo anting-anting ng lolo ko, hot personality ka na kasi. ano ba ang title ng blog na ito XXX (hindi triple X ng vivid kundi ng abs-cbn)
    pag nakareceive ka ng treat tawagan mo lang ako sasamahan kita , (treat na kainan at blowout) pero pag may h na pass na muna ako tawagan mo na 911.
    Ayaw ko pa kasing maging ero, hokey!

    By Blogger RAY, at 9:05 PM, September 23, 2006  

  • hirap na kasi sa pinas so kahit sa patalim, kumakapit na rin ang mga kababayan natin..

    By Blogger Analyse, at 1:38 AM, September 24, 2006  

  • sana mabasa rin ng mga gov't officials ang ilang info mo regarding sa mga modus-operandi ng mga rekruter nang aksiyunan naman nila.

    By Anonymous Anonymous, at 5:11 PM, September 24, 2006  

  • Hay nakakapanlumo....

    By Blogger lheeanne, at 12:11 PM, September 25, 2006  

  • Hindi lang naman sa NZ. Actually bagito-ng gimik ang NZ nauna na yung US at Canada.

    A close friend of mine paid 50-70k Php through an 'agency' to process their canadian papers. Unecessary ? YEP. I know 2-4 people who did the whole thing themselves and all are in canada na rin. :)

    Pag sa atin kasi sinabi mong 'abroad' ang nasaisip ng karamihan (me included) eh parang andali ng buhay... tatapunan ka ng pera, papaligiran ka ng magagandang blonde's and brunnettes. Oops napalayo ako.... :)

    By Blogger Senorito<- Ako, at 12:01 PM, September 26, 2006  

  • nurse po ako dito sa pinas at nais ko pong mgtrbaho sa NZ.Meron ngoffer sa akin ng ganung MO papuntang NZ buti na lang di ako nbiktima. Tanong ko po ay madali po ba ako makakahanp ng trbaho sa NZ bilang nurse pagkatapos kong kunin ang compentncy course for nurses jan sa new zealnd?

    By Anonymous Anonymous, at 11:28 PM, February 22, 2007  

  • hi anonymous,
    wala pa akong alam na nurse na nahirapan maghanap ng trabaho dito. kailangan lang mapasa mo yung competency course at ma-register ka sa NZ Nursing Council. after that wala nang problema.

    By Blogger Ka Uro, at 8:03 AM, February 23, 2007  

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker