mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Friday, October 06, 2006

Success is having one of this...

For Pinoys who’ve settled overseas like us, a symbol of success is owning one's house. It doesn’t matter kung hindi pa bayad ang mortgage. Ang mahalaga home-owner ka pa ring matatawag.

Para sa akin hindi rin mahalaga kung malaki, maliit, bago o luma ang bahay. Ang mas importante pangalan mo ang nakalagay sa titulo ng iyong tinitirhan.

Hindi rin mahalaga sa akin kung ano ang laman ng bahay. Kung kumpleto ng appliances o hindi. Kung may Plasma TV, home entertainment and latest electronic gadgets o wala. I don’t envy those things.

Pero merong isang bagay ang para sa akin, kung meron ka nito, I consider you a truly successful home-owner. Inggit ako kung meron ka nito, kasi very few houses in NZ have this.

Si esmi, matagal na niyang hinihiling ito. Para sa ating mga Pinoy, hindi kasi kumpleto ang bahay kung wala nito -- the most used but often underrated part of a Filipino household -- ang dirty kitchen. Para sa ating mga Pinoy kumpleto lamang ang bahay kung may dalawang kitchen. Isang regular kitchen na kung maaari pan-display lamang at isang dirty kitchen na kung saan nagpiprito ng isda, naggigisa ng bagoong, at nagpapakulo ng buto-buto na pambulalo.

So para matuwa naman si Esmi at makapagluto ng masasarap na pagkain dapat pagbigyan ang hilig. Kaya lang dahil kapos sa budget, so naisipan ko na lang siyang igawa ng kanyang dirty kitchen. Here’s a picture of my DIY dirty kitchen I fondly called “The Phone Booth Kitchen” dahil nakakulong na parang phone booth ang lutuan para hindi makalat ang talsik ng mantika. At present kinukuha ko ng patent ang aking design. Heheh

Photobucket - Video and Image Hosting

Cost of building Jean’s Dirty Kitchen:

  1. Burner with stand - $15 sa garage sale
  2. Gas bottle – free, bigay ni Pareng Dennis at Ammie
  3. Panels and wood – free, napulot lang
  4. Stainless Kitchen Sink - $10

Total Cost: $25.
Masarap na luto ni Esmi: Priceless!


21 Comments:

  • Haha... nakita ko na yang phone booth kitchen sa personal! Iniisip ko nga rin na ok nga magkaroon nyan, para d din kulob sa bahay ang amoy ng niluto. Minsan kasi matagal matanggal ang amoy kaya nagsasawa na ako sa amoy pa lang ng ulam.

    $25 lang? Ok yun a, very nice idea and cheap too. San nagdra-drain yung sink? Nagpabutas pa ba kayo o may existing drain na?

    Priceless talaga pag home-cooked meal. Hmmm...

    By Blogger Raquel, at 8:00 PM, October 06, 2006  

  • wow! ang galing naman ni mr. handyman.

    sana ginawa mo ng double sink, tutal additional $10 lang naman.

    By Anonymous Anonymous, at 1:10 AM, October 07, 2006  

  • raquel,
    yun nga ang dahilan kung bakit gusto ni esmi ang may dirty kitchen para hindi umamoy ang loob ng bahay. especially yung mga lutong pinoy, masyadong maaamoy.

    may existing drain na kaya diretcho na doon.

    jo,
    walang double sink na binebenta e. actually galing lang sa isang lumang bahay yung sink kaya mura.

    rHo,
    oo nga, lalong sumasarap ang luto ni esmi kapag sa dirty kitchen nagluluto.

    By Blogger Ka Uro, at 11:43 AM, October 07, 2006  

  • Very innovative at practical. Gleng Gleng Ka Uro! Eh di gaganahan lalo si esmi sa pagluluto niyan, kasi eh hindi masyadong makalat at maamoy sa loob ng bahay.

    have a nice weekend!!

    By Blogger Unknown, at 9:59 PM, October 07, 2006  

  • Only the Pinoy can do that. Bakit nga ba Pilipino lang ang gumagawa ng mga ganyan? Pero ok naman kasi ang idea ng dirty kitchen, maiiwasan nga naman yung amoy sa loob ng bahay.

    By Anonymous Anonymous, at 2:01 AM, October 08, 2006  

  • never thought that a filipino homes have two kitchens. i guess im just not aware because i dont mess in the kitchen. hehehe. one comment though. your dirty is relatively small. dirty kitchens i believe are for large gatherings so they have to be big. and isn't it dirty kitchens have earth or ash as bases?

    nice site btw. this is the first site in blog category of PWA i posted a comment on. i think this particular entry is truly pinoy.

    good luck!

    By Anonymous Anonymous, at 1:49 PM, October 08, 2006  

  • gusto ko rin ng ganyan! hehehe

    By Anonymous Anonymous, at 7:01 PM, October 08, 2006  

  • nadali mo KU... pati ako pinagagawa na ni wan en onli ko ng "dirty kitchen".

    By Anonymous Anonymous, at 9:02 PM, October 08, 2006  

  • rhada,
    oo ganado siyang magluto. kaya lang may isa pang problema. walang bubuong yung kitchen. nasa labas kasi. so kapag malamig at umuulan, tiis na muna kami sa mga left-overs.

    billycoy,
    bakit nga tayo lang? sa lahat ng mga binebentang bahay dito wala pa akong nakitang nag-advertise na may dirty kitchen.

    ynon,
    tama ka na ang typical dirty kitchen sa atin malaki at ginagamitan ng kahoy at uling sa pagluluto. yun nga talaga ang pangarap ni esmi. pero no budget kaya nag-improvise na lang ako.

    sarubesan,
    magpagawa ka sa mga ka-flatmate mo. di ba marami kang ka-flatmate na boys.

    anonymous,
    igawa mo na kaagad. di dapat pinatatagal ang mga request nila.

    By Blogger Ka Uro, at 9:04 AM, October 09, 2006  

  • nice! for only $25 may dirty kitchen na...hayan di na nga naman mangangamoy sa loob ng bahay....hehehe...

    By Blogger Unknown, at 12:36 PM, October 09, 2006  

  • ipr,
    hindi na nangangamoy sa loob ng bahay. sa labas na lang. kaya ayun kapag nagpiprito ng tuyo o gisa ng bagoong, nagsasara ng bintana ang mga kapit-bahay. kaya yata tatlong beses nang ibinenta yung bahay na katabi namin. epektib na paraan lalo na kung galit ka sa kapit-bahay mo. heheh

    By Blogger Ka Uro, at 12:52 PM, October 09, 2006  

  • aanhin mo nga nman ang dalwang kitchen kung di masarap luto ni Esmi dba? buti nlang me talent ang esmi mo, pero pano nako? advisable ba ang magpagawa ngbahay salikod ng isang resto? cguro kahit wala na kaming kitchen nun pwede na no? hehe!

    By Blogger lheeanne, at 1:49 PM, October 09, 2006  

  • Galing naman, isa ka talagang ulirang mang-gagawa at uliran asawa, patikim naman ng luto ni Ate.. hehehe.. God Bless..

    By Anonymous Anonymous, at 10:25 PM, October 09, 2006  

  • Is that a bamboo steamer atop the aluminum countertop ? Anong steamed dish ba ang ulam ? :)

    By Blogger Senorito<- Ako, at 11:52 AM, October 10, 2006  

  • Very innovative ka KU. Tanong ko lang-- wood ba yung house itself kung san makadikit yung dirty kitcken mo? I suggest to put fire proof material (baka malimutang ni misis yung linuluto, masunog). Then put aluminum foil in the inside area for easy cleaning. Thanks. rOn

    By Anonymous Anonymous, at 10:15 PM, October 10, 2006  

  • Ka-Uro, magkano hourly charge mo para sa labour? Ha ha ha ha. Baka mai-kontrata kita in the future for the DIY kitchen. Mwehehehehe. Just kidding!

    Kitchens and bathrooms are the most expensive to add on and to renovate, that's what I think. One of my musts in a house ay malaking kusina, doble doble sana lahat kung puwede - double sink - double the normal 4-cook stove, double bench tops, hehehe. And mas maayos kung may semi-detached kitchen sa garden para OK pang BBQ and pang-entertain.

    Hayyyy mangarap...!

    By Blogger Jovs, at 10:20 PM, October 10, 2006  

  • KU, ok sa orayt ah. nasa labas ng bahay ba ito? pero paano pag winter? abandonada ba ang phone booth kitchen? =)

    By Blogger ria, at 11:14 PM, October 10, 2006  

  • KU, di mo isinama yung wonder wok (super kawali) ni Jean :) Kahit na sa clean or dirty kitchen pa niluto ni Jean yung ulam, siguradong masarap.

    PS: makikikain ulit kami sa inyo ha ;)

    By Blogger jinkee, at 10:01 AM, October 12, 2006  

  • ayos dre ah..

    pero ung mas matindi ang luto ni misis...

    invite mo naman kami nina kd at ann lunch dyan hehe

    By Anonymous Anonymous, at 1:11 AM, October 16, 2006  

  • TK,
    pwede rin nga kung sa tabi ng resto ang bahay mo. di mo na kailangan magluto. kaya lang baka magsawa ka rin sa luto nila. mas masarap pa rin para sa akin paminsan minsan ang piniritong tuyo, suka at sinangag. wala nun sa mga resto eh.

    made,
    yun lang pala eh. sige punta ka sa amin.

    senorito,
    nagluto kami ng siopao. may umaaligid kasing pusa sa gabi. hehehe

    rOn,
    ya wood yung bahay namin. maganda yung mga suggestion mo lalo na yung aluminum foil.

    Jovs,
    mahal ang hourly rate ko. mamamahalan ka sige. pero for you free na lang basta padala mo yung plane fare papuntang melbourne. hahah


    radiosa,
    oo nasa labas. yung nga problema kapag winter o kaya umuulan. tiyaga na lang kami sa sardinas.

    jinkee,
    ok lang. kapag nagluto si jean ulit ng marami tawagin namin kayo. dahil kung ako ang magluto, gutom tayo. hahah

    kneeko,
    aba hindi lang lunch, may dinner, supper, breakfast at merienda pa. eh ang layo pa ng pinanggalingan nyo tapos lunch lang ipakain ko. si tita ann magluto na rin, galing magluto yon eh.

    By Blogger Ka Uro, at 11:26 AM, October 16, 2006  

  • hi,

    ang maganda diyan sa "dirty kitchen" ay pwede kang mag luto ng tuyo. hindi mangangamoy sa loob ng bahay mo.

    salamat,

    dp

    By Anonymous Anonymous, at 4:46 PM, October 16, 2006  

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker