mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Monday, October 02, 2006

Some people come into our lives and quickly go. Some stay for awhile and leave footprints on our hearts. And we are never, ever the same.—Anonymous

Yesterday we had a meeting of AKLNZPinoys. Grabe po, ang daming nag-attend. We originally estimated around 80 to 100 people to attend but close to 200 showed up.


Photobucket - Video and Image Hosting

Ang saya po ng get-together. I hope, especially to those who just recently arrived in Auckland and are still settling in to the NZ way of life, na sana nag-enjoy kayo ang found new friends during the meet. Yan naman po ang main purpose ng group natin, that we remain friends. And that we continue helping one another and caring for each other.

Marami pang challenges ang haharapin ng mga bagong dating sa NZ. Lalong-lalo na ang mga may WTR na 6 months. Medyo pressured sila dahil sa short period na meron sila to find a job. But I think with a little help and encouragement from some of us who’ve been in NZ longer, and with God’s grace, they will manage and achieve their purpose for coming here.

Sabi nga ng Beatles, “we get by with a little help from our friends”. Sagot naman ni Stevie Wonder, “[because] that’s what friends are for”. Corny, ano? But truly, yan po ang feeling ko (parang gusto kong kumanta kahit sintunado) when with friends. Lalo na Pinoy friends who are one in caring for each other.

Speaking of friends, nagugulat na lang ako kapag may lumalapit sa akin at nagpapakilala na matagal na raw silang nagbabasa ng blog ko. They talk as though they know so much about me na parang matagal na nila akong kakilala at tinuturing na kaibigan. Pero sila, first time ko pa lang ma-meet kaya medyo feeling awkward ako kasi di ko alam kung paano mag-react.

Lalo na nung may magbigay sa akin ng pasalubong galing pa sa Pinas. One couple sinadya pa nila na ipagdala ako ng plastic tabo. Nabasa kasi nila yung post ko about my multi-purpose tabo. Kahapon naman may nagbigay sa akin ng box of Cloud 9 chocolates na all the way from SM (alam ko kasi nasa isang blue SM plastic bag). At si J naman pinasalubungan ako ng isang music CD. Dahil yata alam niya na 60’s pa ang alam kong music. Yung iba naman, they go out of their way to approach me and thank me personally. All of these from people I’ve never met before (or maybe once pa lang). Nakakataba ng puso. Sometimes, I wonder if I deserve any of these attention. All these for simply putting my thoughts into words on the internet. In any case, taos puso akong nagpapasalamat. At sana ipagpaumanhin ninyo kung di ko ma-recall ang mga names ninyo. Mahirap kasi ang tumatanda.

16 Comments:

  • iba na ang sikat, di ba!

    By Blogger settejr, at 1:42 PM, October 02, 2006  

  • wow! sikat ka pala diyan!!!

    By Anonymous Anonymous, at 2:02 PM, October 02, 2006  

  • Wow ang saya parang nag EB din kayo. hehe!

    By Blogger tutubing_karayom, at 3:19 PM, October 02, 2006  

  • wow! sarap maging celebrity. Dami naman ho kasi talagnag napupulot na aral sa blog nyo, lalo sa mga gustong magpunta ng NZ.

    By Anonymous ann, at 6:25 PM, October 02, 2006  

  • ayos dre... marami kang natutulungan...

    pero makalimutin na ba? hahahhaha

    By Anonymous kneeko, at 7:33 PM, October 02, 2006  

  • ang saya naman nyan!! naks, iba na talaga ang sikat noh KU!? hehehe! God bless po...

    By Blogger rHo, at 5:50 AM, October 03, 2006  

  • I really like your blog mr Ka Uro, it's very helpfull and interesting. You deserve those things and the respect of so many whom you help, sayang hindi ako nakadalo para ma-meet ka rin, next time na lang.... God Bless you and your family...

    By Anonymous made, at 8:46 AM, October 03, 2006  

  • Hi K U. Its true you are always be an inspiration not only for kiwi wannabees. It shows just from your blog how kind hearted you are. Helping people even thru net. I have personal attachment sa iyo even you havent remember that we also met nga pala last Sept 2005 sa Pinoyz2nz meet. Just to proudly say that it's the only meet I have aatended just to see in person. As you know di naman po ako under SMC.

    By Anonymous Wheng, at 1:18 PM, October 03, 2006  

  • You touch people's lives through your Blog Ka Uro....

    hindi ka madamot na tao sapagkat ibinabahagi mo sa iba ang iyong mga kaalaman na walang hinihintay na sukli, kaya hindi kataka-taka na ikaw ay hinahangaan at kinikilala.....

    kaya sa susunod na halalan, IBOTO SI KA URO!!! hep hep, hurray!! :-)

    By Blogger Rhada, at 12:31 AM, October 04, 2006  

  • Sadyang dakila ka KU. Dahil sa iyong unselfish attitude sa pagbahagi ng iyong experience at kaalaman, madaming taong nakikinabang. Hulog ka talaga ng langit. Ingat lang sa pagtaba ng puso at baka tumaas ang kolesterol ha.

    By Blogger Ka Elyong, at 10:13 AM, October 04, 2006  

  • Ka Uro, tamang tama ang post mo ...isa ako sa masugid mong tagahanga. For the past 8 months na ay naging part na ng routine and pagbasa ko sa blog mo. And to be honest ay marami akong natutunan. Sige mahilig ka pala sa CD's na pang 60's sana makarating ako diyan para madalhan kita...Regards uli... btw, i'm keeping my finger cross para sa webby nomination mo...goodluck po (noel ng DLSUD)

    By Anonymous Noel, at 10:19 PM, October 04, 2006  

  • Ka Uro- Congratulations for a very successful affair-of course you deserve everything you are too humble naman...you have initiated something very good for our kababayans and i wish there was something like this when i first arrived in Hastings NZ- should have life more tolerable. And as they say- you only get what you deserve. Keep up the good work!

    By Blogger VICKY, at 11:33 AM, October 05, 2006  

  • thank you po sa inyong mga comments. i'm humbled and i feel blessed for knowing that i have friends like all of you. even those silent ones.

    By Blogger Ka Uro, at 1:40 PM, October 05, 2006  

  • You have a very informative blog, masaya at nakakatuwa, meron ding malulungkot pero always may aral na makukuha. Masarap ata ang feeling ng na-a-appreciate ka. All the best Ka Uro and keep blogging!

    By Anonymous Leah, at 3:04 PM, October 05, 2006  

  • Dahil sabi nga, dito sa mundo, we don't build objects but PEOPLE.(hehe!mukhang magulo,tama ba to?)

    Its a nice feeling na without you knowing it, may natouched ka na palang tao...in your most simple way.

    yOU've made a wonderful difference KU!

    By Blogger ev, at 9:10 PM, October 05, 2006  

  • As usual, late na naman ang reaksyon ko...Anyway, KU...Those stuffs given to you by your readers have less value compared to the inspiring words & chikas you've been sharing us especially regarding NZ matters. Personally, I learn so much from your sharings. May God continue to give us down-to-earth & humble guys like you. God bless.

    By Anonymous Ezel Canes, at 1:54 AM, November 07, 2006  

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker