mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Tuesday, October 24, 2006

Filipina in need of Help here in Auckland

Last week may natanggap akong email with the above title. According to the email may isang Filipina ang na-confined sa Auckland Hospital at na-diagnose na may terminal cancer. Pero thanks to God, later napag-alaman na hindi naman pala terminal cancer.

Binisita namin ni esmi yung kababayan nating Pinay sa ospital last Thursday. Ang nangyari pala biglang may lumaking tumor sa tiyan nung Pinay. Pagkatapos i-scan at i-ultra sound, ang initial findings ng doctor, cervical cancer at malala na. Pero pagkatapos siyang operahan at tanggalin yung tumor, healthy naman ang kanyang ovaries. Sa madaling sabi hindi naman talaga sure kung cancer. Right now hinihintay pa ang resulta ng biopsy para ma-confirm kung may cancer nga o wala.

Very depressing ang mga pangyayari sa buhay ng kababayan nating ito. Talk of a string of bad lucks. Una, maaga siyang nabiyuda. Namatay ang asawa niya pagkapanganak ng kanilang second child. Kaya siya na lang ang naiwan para mag-alaga sa dalawa nilang anak na pito at siyam na taong gulang lamang.

Dahil nagiisa na siya at hindi na sapat ang kinikita bilang ordinaryong empleyado sa gobyerno naisipan niyang mangibang bansa. Lumapit siya sa isang immigration consulting agency sa Pilipinas na nag-specialize sa NZ. Sa pamamagitan ng ahenteng ito nakakuha naman siya ng tourist visa. Opkors, pagkaraang bayaran ng malaking halaga (don’t know the full amount, but from what I hear around it will be at least $5000). Halagang inutang lamang at hanggang ngayon binabayaran pa.

Iniwan niya ang kanyang dalawang anak at nagpunta siya ng NZ. Pero pagdating ng NZ, walang magbigay ng trabaho sa kanya kasi wala naman siyang work permit. So lapit na naman siya sa isa pang consultant (Pinoy din!). Siningil na naman siya ng malaking halaga (again don’t know how much, but some say $3000) nitong bagong consultant na ang tanging ginawa lamang ay ang papuntahin siya sa South Island ng NZ at sinabing doon maghanap ng trabaho. Mas madali daw kasi doon makakuha ng work permit. Apparently halos wala namang naibigay na tulong ang consultant dahil siya rin mismo ang naghanap ng employer.

Di ba nakakalungkot isipan dahil luray-luray na nga yung tao sa hirap sa atin, pinagsamantalahan pa siya. Di lang ng isa kundi dalawa at kapwa Pilipino pa!

Anyway, mabalik tayo sa kwento niya. So nagpunta nga siya sa South Island at doon nakahanap ng trabaho at eventually nabigyan siya ng 1 year work permit. Okay na sana at kumikita na siya. Subalit makaraan ang ilang buwan sinamang palad naman na nagkaroon nga siya ng tumor sa tiyan. So balik na naman siya sa Auckland para magpagamot. At dahil 1 year lang ang work visa niya, hindi siya entitled sa libreng pagpapagamot. Yung mga may 2 years work visa at mga NZ residents lamang kasi ang libre.

Ang sabi sa kanya ng mga doctor na baka kailanganin siyang operahan ulit at i-chemotherapy kapag may nakitang cancer sa biopsy. Additional treatments that will cost around $30-$60 thousand in NZ. Kaya nga nasabi niya (with tears in her eyes and a sense of resignation) “uuwi na lang ako sa atin para makita ko pa ang aking mga anak”.

Unforseen events caused by nature and that which we cannot control, with complete surrender, we learn to accept as God’s will. Harsh and miserable conditions brought about by man’s greed and utter disregard for their fellowmen are sometimes harder to comprehend and accept.

Sometimes I wonder why some people, fellow kababayans even, can be so mean and exploitative. Makes me angry. But then I think of all the other people, also kababayans, hundred times more in number who extended their sympathy, offered prayers, gave and solicited donations to their kababayan in need. And that makes me smile. Sabi nga ni Grasshopper: "[although] we are often reminded of the existence of evil, we should never lose faith in the goodness of man".

  • PS. Nakalabas na ng ospital yung Filipina at kasalukuyang nagpapalakas sa bahay ng isang kamag-anak sa Auckland. Nananawagan pa rin siya na ipagdasal na sana'y maging maganda ang resulta ng biopsy at totally walang makitang cancer. Nagpapasalamat din siya sa lahat ng bumisita, tumawag, nagdasal, at nagbigay ng abot ng kanilang makakaya.

13 Comments:

  • sobrang nakakalungkot nga ang nangyaring iyan sa kababayan nating pinay.

    i'm here na in bahrain on family visa at sa wakas, magkasama na kami ni hubby.

    yang pagkuha ng family visa, sadly, di lahat nagkakaroon ng ganyang opportunity to get their spouse & kids. yung iba nagbabayad pa ng malaking halaga para lang may mag-sponsor sa pamilya nila.

    there are a lot of sad stories that i read & hear about other kababayans not only here in B but also in other parts of the ME.

    By Blogger Dorothy, at 8:00 PM, October 24, 2006  

  • di talaga ako naniniwala sa mga agency na yan! talagang they are in it for the money and not to help/assist in one's job hunting.

    para sa mga balak mag abroad, its very important to buy health insurance, you'll just never knew what might happen! better to be safe than end up with a huge debt!

    By Anonymous Anonymous, at 7:28 AM, October 25, 2006  

  • yes, it's very sad to know that there are really some people who would want to take advantage of others. not only pinoys, though. i think it's universal that there are bad people amidst the good ones. but come to think of it, i would like to believe that there are more good people than the bad ones and let's be happy with it.

    By Blogger Ynon, at 12:52 PM, October 25, 2006  

  • KU,
    Salamat naman at di pa siguradong CA yung tumor nya. Sana negative ang result ng biopsy nya. Uuwi pa rin ba sya kung ok na naman yung health nya?

    Aside from praying for her, pano ba kami makakatulong sa kanya?

    By Blogger jinkee, at 4:35 PM, October 25, 2006  

  • KU, i've read this story from fafatoy and i was able to chat with him. mejo ok na naman pala si kabayan but i still include her on my prayers.

    just keep us posted whatever the ourcome of biopsy.

    By Blogger Mmy-Lei, at 12:22 AM, October 26, 2006  

  • saklap naman. bakit di natin i-expose yung nagpadala sa kanya dun sa SI.
    but life goes on. ika nga, whatever doesn't kill you makes you stronger.
    KU, san ba sya pwedeng madalaw?

    cheers

    By Blogger NZed®, at 12:34 AM, October 27, 2006  

  • Sana nga maging maayos na nang tuluyan ang kanyang kalagayan, I'm sure hindi rin naman siya pababayaan ni Lord, alam ko may double blessing pang naghihintay sa kanya at KARMA naman dun sa 2 manlolokong kababayan.

    By Anonymous Anonymous, at 6:34 PM, October 27, 2006  

  • i'm happy at nakalabas na sya at nagpapagaling...and i hope na maging maganda ang result ng test...in time the opportunist who add misery in her life will have a dose of his own medicine...naniniwala ako sa karma.

    my prayer to our kababayan...

    By Anonymous Anonymous, at 6:59 AM, October 28, 2006  

  • as a mother, i am moved by her decision. there's nothing more painful than not seeing your children and you are uncertain of what lies ahead.

    making money out of helpless people is revolting.

    By Anonymous Anonymous, at 8:07 PM, October 28, 2006  

  • It is better to disclose the names of the immigration agancies who handled the case of this pinay victim so that other people will be warned in future dealings.

    By Anonymous Anonymous, at 7:30 PM, October 29, 2006  

  • hi anonymous,
    actually when we talked to the filipina, she did not give the names of the agencies. since she did not disclose their names, i can't either although i have some hints who they are.

    the important thing, i think is that people should be carefull when dealing with immigration consultants in general. especially those who want advance payments and have a "no refund" policy in their contracts.

    By Blogger Ka Uro, at 9:44 AM, October 30, 2006  

  • I'm soooo praying for her. I've had hysterectomy last 2002 due to a tumor in my ovary. It was not malignant though. Same case with her, my tummy was big as in parang buntis pero inde naman.

    At 30 years old, I'm already dealing with menopausal syndromes. But I am happy that I got through the tumor.

    Again, be brave! God is good. Trust in him.

    Annalyn

    By Anonymous Anonymous, at 2:49 AM, November 02, 2006  

  • Hi K U,

    At least hindi niya kamag-anak ang nag-exploit sa kaniya. Kahit papaano eh maiintindihan mo kung bakit siya pinagsamantalahan.

    Pero mas masakit kung sarili mong KAMAG-ANAK ang nag-take advantage sa inyo dito sa NZ, lalu na kung bagong migrant lang kayo at yung mga relatives mo dito ay matagal na dito at NZ citizens na (and supposedly merong concern at malasakit sa kapakanan ninyo).

    Imbes na tulungan kayong maka-ipon para maging independent eventually, ay biglang sisingilin pa kayo ng sobrang taas na weekly "boarding fee" at kayo pa ang paglilinisin ng banyo, kwarto, at maglaba at maghugas ng pinggan para sa kanila.

    Tapos gagawan pa nila ng paraan para hindi kayo maka move-out sa bahay nila, kasi mawawalan nga naman sila ng malaking weekly na nasisingil sa kawawang bagong saltang migrant family.

    In other words, PINATOS AT PINAGKAKITAAN ANG SARILING KAMAG-ANAK, GINAWANG SOURCE OF WEEKLY INCOME ANG KAWAWANG MIGRANT FAMILY na wala namang masyadong pera na dala.

    Blood is thicker than water? Not all the time.

    By Anonymous Anonymous, at 10:09 AM, November 03, 2006  

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker