Kahapon katatapos lang ng Melbourne Cup sa Australia. Ito ang pinakasikat na karera ng kabayo sa Australia, held every first Tuesday of November. Dahil sa sobrang kasikatan, Australians everywhere in the world stop to do what they are doing to watch this race. This event really stops a nation.
Sa America, meron din silang “event that stops the nation”. Isa dito yung Superbowl, yung championship game ng NFL. Malaking event ito sa Tate.
Dito naman sa Kiwilandia, wala akong maisip na single event na katulad ng Melbourne Cup or Superbowl. Probabaly, the closest will be a game of NZ’s national Rugby team, the All-Blacks in a tournament such as the Rugby World Cup.
Sa mga Pinoy naman, anong event ang nagpapahinto sa ating bansa? Ano pa, e di ang mga laban ni Pacman. Sabi nga nila kapag may bout si Manny Pacquiao, walang trapik kasi walang mga sasakyan sa daan. At wala ring krimen, kasi maging ang mga holdaper, snatcher, magnanakaw lahat nakatuon and panonood sa laban.
Ba’t nga ba ito ang topic ko? Simple lang naman. Kasi bilang isang migrante na nakarating na ng US, Australia at ngayon kasalukuyang nasa NZ, I feel strange whenever the nation around me “stops” and yet I remain unaffected. Nung nasa US kami, lahat ng bahay nanonood ng Superbowl, pero kami patuloy lang sa aming pang-araw-araw na gawain. Nung bago pa lang kami sa NZ, nagdadalamhati ang mga Kiwi pagkatapos ma-eliminate ang All-blacks sa World Cup quarterfinals, pero kami, wala kaming na feel na lungkot.
The sad thing about being a migrant is that sometimes one feels like a fish out of the water. Your feelings are ambivalent. You’re neither here nor there. When I stop to watch a Pacquiao bout, the Kiwis around me wonder what the brouhaha is all about. And when they talk passionately about their Rugby or Cricket, I feel left out.
The best term to describe me is that I am a Kiwinoy or Piwi, part Kiwi, part Pinoy, but neither one nor the other. Ano ba yan? Parang Shokoy, part man, part fish. I feel like I'm having an identity crisis.
11 Comments:
Syempre tangan tangan mo parin ang dugong pinoy, nobang keber natin sa super bowl nayan at rugby something dba? mas interested parin tayo sa laban ni Pacman at ni Magician Bata, kc they make us proud pinoy... i thank you! heheh!
By lheeanne, at 3:12 PM, November 08, 2006
Ang galing mo talagang magsulat KU! Sobrang nakaka-aliw... tama ka nga na neither one or the other ang tema ng migrants.
May ibang perspective din ako as an "ex-migrant" --
I lived in Australia then bumalik sa Manila. Pag nakakapanood ako ng Aussie shows (Hi-5, Crocodile Hunter, etc), kinikilig ako sa tuwa! Hehehe! When I hear the Aussie accent, super nasi-senti ako. Feeling ko forever attached ako sa Australia kahit sandali lang naman ako dun. Feeling 100% pinoy, 95% australian.
Soon to be PIWI na rin sa January! Hehehe!
By Anonymous, at 5:06 PM, November 08, 2006
you are absolutely right, ka uro. After 10 years in NZ and 8 years in Australia, i just started betting in the Melbourne Cup Derby and got to understand the culture and try to participate..but never seguro akong magdress-up with a headgear and go to the derby as it's not really my style- i just watch it on tv. Superbowl with a 'malfunction' i shall look forward to the next malfunctin ehe superbowl. Sa Phils yung mga basketball championship bet toyota and crispa-uso pa ba yon? famas award... nasaan ang part 2?
By Vicky, at 9:41 PM, November 08, 2006
Hi KU. That's how we felt. During the Melbourne Cup, we just went to Borders to hang out there. ;)
By Gabeprime, at 1:22 AM, November 09, 2006
may term ako jan ku. aminin man natin o hindi tayo ay "adobong kiwi" na o "penoy na kiwi". lagi akong nakaantabay at nakalog in sa mga balita at shows sa atin through the internet. miss na miss ko na pilipinas. sa bawat tagumpay ng bayan natin i rejoice at sa bawat kasawian niya damang-dama ko ang kalungkutan. ganyun din naman ang nadadama ko para sa new zealand, sa bawat panalo ng all blacks proud na proud ako para sa kanila, ng matalo tayo sa america's cup nalungkot ako.
kung dumating ang pagkakataon na pilipinas laban sa new zealand diyan tayo maguguluhan, parang kantang "Sana Dalawa ang Puso ko"
But my choice will be no doubt my motherland, Pilipinas, but New Zealand will always be my second choice. Go Philippine, go New Zealand.
incidentally sa world hip hop competition first ang Pilipinas at second ang New Zealand besting other big countries ayon sa diario filipino.
Filipino and Kiwi dancers are World Hip Hop Champions
Los Angeles, California USA - Can you imagine that? Two small countries with different cultures show the world how to dance hip hop on world stage! The Philippine team, All Stars, won first place in the 2006 World Hip Hop Dance Championship held in Redondo Beach, California USA. The NZ group, Dziah, took home the silver among 25 countries that competed.
The Philippines' All Stars, coached by Jungee Marcelo, performed to a wonderful mix of hip hop, which included "Bebot" of the Black Eyed Peas (one of the hit songs composed by another Filipino, Allan Pineda, codenamed "apl.de.ap"). Ken "Kenjhons" Serrano was the lead choreographer of the All Stars' routine.
The Dziah's eight-strong crew - and three reserves - from Otara spiced their routine with Pacific and
Maori moves.
"They like our orginality and and our style of dance. There are a lot of different cultures in our group that bring it all out." Group leader Billie Paea said.
Three members of the Dziah have Filipino ethnicity so Pinoys can be double-proud of their winnings.
Two other Philippine-based groups, The Crew and the UP Streetdance Club, also made it to the semi-finals.
Interestingly, hip hop crews from Canada and the United States also had many members that are of Filipino descent, prompting host Chris Spencer to say, “I feel like I’m in Manila.”
By RAY, at 10:09 AM, November 09, 2006
tk,
agree ako diyan. yung nga siguro, however we try, we can never become 100% unFilipino. kaya nga minsan, gusto kong sampalin yung mga na-me-meet kong pinoy na nagpa-lond ang buhok at pa-inglis-inglis pa at nakalimutan na raw ang tagalog gayong ilang taon pa lang naman sila sa abroad. feeling kinahihiya nila ang kanilang pag-kapinoy.
april,
look forward to meet you in auckland. thanks for the comments.
gelo,
siempre naman. pinoy products pa rin ang binibili namin dito.
kd,
e ikaw ano tawag sa inyo sa Saudi (KSA)? PiSa? pwedi rin PiKSA. hahah. ayan napagkamalan mo pang girl si gelo. lagot ka!
gelo,
sigurado ka bang lalake din si bruhang kd? hahah. peace tayo kd. musta mo na lang ako kay arnold.
vicky,
wow 18 years ka na pala sa abroad! hindi na yata uso ang PBA. parang mas sikat pa yata ngayon ang UAAP.
geejay,
pinoy na pinoy ka pa rin. mahilig sa discount. hahah. hintayin mo pang mag-50% and discount sa borders.
atoy,
thanks for sharing that news. surely we can be proud of pinoys/kiwis. world-class ika nga.
By Ka Uro, at 11:16 AM, November 09, 2006
Isn't it great that in this country, tinatanggap tayo as who we are. We bring with us our bits of culture that along with others are changing New Zealand day by day. You and I may not have the rugby fervor, but so does Helen Clark :) True, we are pinoys but I think we share the values that kiwis hold high: ang pagigiging pantay pantay ng mga tao, malinis na gobyerno, ang pagiging matulungin sa kapwa, etc.
Ika nga ng nasirang Michael King, “...most New Zealanders, whatever their cultural backgrounds, are good-hearted, practical, commonsensical and tolerant. Those qualities are part of the the national cultural capital that has in the past save the country from the worst excesses of chauvinism and racism seen on other parts of the world.”
Ka Uro, me thinks you're a 100% New Zealander
By Anonymous, at 8:38 PM, November 09, 2006
hi anonymous,
ganda ng mga sinabi mo. thank you, thank you.
By Ka Uro, at 11:44 AM, November 10, 2006
Hi Ka Uro,
Natawa ako nung sinabi mong parang nagkaka identity crisis ka. Nadaanan ko rin kasi nung bumalik ako from abroad. Parang minsan fish out of water anywhere you go...kahit dito sa Pinas pag matagal nang nasanay sa labas...which I didn't quite expect..haha! Siguro this is one unique experience na only migrants can really understand. Parang one becomes a citizen of the world. I hope to meet you all next year, kakasend ko pa lang kasi ng ITA...hehe
By Anonymous, at 6:41 AM, November 11, 2006
talagang pag nasa ibang bansa ang mga pinoy they'd be very proud to hear na ang mga kapwa nila pinoy ay achievers internationally...ang sarap naman pakinggan ang "kiwinoy" KU...truly hindi ka nakakalimot sa iyong lupang sinilangan...sana lahat ng pinoy na nasa ibang bansa na namuhay ay tulad mo na laging proud sa kanyang pinagmulan.
By Anonymous, at 12:02 AM, November 12, 2006
Kaya nga yung iba na ilang years pa lang sa ibang bansa at parang hirap na raw magsalita ng tagalog eh sino naman kaya ang maniniwala.Hindi naman ganun kadaling kalimutan na pinoy ka.
off topic:
Thanks sa comment nga pala (blogkadahan), coming from you parang gusto kong maniwala..hehehe.
By Anonymous, at 9:15 PM, November 13, 2006
Post a Comment
<< Home