mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Saturday, November 04, 2006

Ganito Kami Noon (part 1)

Photobucket - Video and Image HostingKuha sa SM City, December 1994, huling taon namin sa ating bayan.


Mahigit isang dekada na ang nakakaraan ngayon nang maisipan naming lisanin ang inang bayan. Marami ang nagulat noon sa aming desisyon na sa NZ manirahan. Bakit daw NZ? Ni hindi nga naman nila alam kung saang lupalop ng mundo matatagpuan ang NZ. Ang akala ng marami malapit ito sa Switzerland dahil hawig ang pangalan. Marinig pa lang nila ang “Zealand” giniginaw na sila sa pag-aakalang nababalutan ito ng yelo katulad ng Swiss Alps.

Bibihira noon ang nakakakilala sa NZ bilang isang destinasyon ng mga Pinoy. Mas kilala nung time na yon ang Australia kaya pirming mahaba ang pila ng mga aplikante sa harapan ng Australian Embassy sa Makati. Sa di kalayuang building naman, ang NZ Embassy. Walang security guard. Kasi wala naman pila. Pwede kang mag-walk-in anytime para humingi ng application form. Maswerte ka na kung may makasabay kang ibang Pinoy sa reception room ng Embassy.

Napuno na siguro ako sa magulong buhay sa atin. Time ni Cory noon at puro na lang kasi coup d’etat. Kaya naman nung may mabasa akong article sa isang pahayagan tungkol sa NZ, maliit nga ngunit progresibong bansa din katulad ng Australia at Canada at higit sa lahat mapayapa at tahimik, nagpasya akong puntahan ang NZ Embassy upang humingi ng karagdagang impormasyon.

Sa elevator may nakasabay akong puti. Napansin niya yung binabasa kong newspaper clipping kaya’t tinanong niya ako “are you planning to visit NZ?”. Sabi ko I’m thinking about it. Sagot naman niya, “NZ is very beautiful. Very green. Lots of open spaces, no pollution, not crowded, lots of sheep. I’m sure you’ll love the place.” Naisip-isip ko, sign siguro yon na sa NZ talaga and destiny ko.

Noon pa man, may points system nang ginagamit ang NZIS sa pag-assess ng mga aplikante. Ang kaibahan lang parang mas madali noon ang makakuha ng sapat na points. Basta college grad ka at may work experience ka na at least 2 years, almost sure ka nang papasa.

Mas madali din ang proseso noon sa pag-apply. Wala ng Expression of Interest (EOI), Invitation to Apply (ITA) or Work to Residence (WTR). Submit ka lang ng application at tapos hintayin ang result. Usually wala na ring face-to-face interview. Pagdating ng result either decline or approve na ang Permanent Residence mo. Isa pa, sa Makati lang ang submission at processing ng application. Hindi katulad ngayon, sa Bangkok pa.

Medical examination ang unang step sa application. Which I thought was good. Kasi kung bagsak ka sa medical, di ka na papag-aplayin, so di ka na gagastos pa. After makuha namin ang resulta ng medical exam, na pasado naman, kinalap ko na ang mga required documents. Katulad din ngayon, kailangan ng NBI clearance, police clearance, employment certificates, birth certificates, transcript at diploma. Nung kumpleto na ini-lodge na namin yung application for residency sa NZ Embassy at binayaran yung lodging fee na kung di ako nagkakamali P5,600 nung time na yon.

After about 6 months, dumating na yung sulat mula sa Embassy. Approve daw ang application namin for Permanent Residence to NZ. Hinihingi na ang aming mga pasaporte para matatakan ng residence visa.

Kumpara sa ngayon, lubhang napakadali noon. Di tulad ngayon, magastos na, mahirap na para kang sumusuot sa butas ng karayom, at wala pang garantiya na makakamit mo ang Permanent Residency (PR). Ang kadalasang ibibigay lamang ng NZIS ay yung tinatawag na Work to Residence (WTR) visa, which is basically just a work permit. Kailangan mo munang makahanap ng job related sa natapos mo bago ka bigyan ng PR. Kung hindi mo magawa ito, mapapauwi ka. Sayang lang lahat ng nagastos mo.

Bagamat mas madali kumpara sa panahon ngayon ang dinanas naming proseso sa pagpunta ng NZ, marami din naman mga balakid at paghihirap kaming naranasan.

Itutuloy...

11 Comments:

  • good timing ka uro. i believe in 'signs' and that was a good sign. teka nga muna- should read the next part and see if you made a correct decision..

    By Blogger Vicky, at 9:46 PM, November 05, 2006  

  • more.... more.... more pictures please. Hihintayin ko yung "Ganito kami Ngayon".

    By Blogger jinkee, at 1:02 PM, November 06, 2006  

  • dati nga pwedeng sponsor mo pag nag-aaply ka para residency yong mga organization tulad ng pinoy organization.
    kung noong una pa pala kami tumuloy halos magkasabay tayo ng pagkakapunta sa new zealand 1995. nag luwag-luwag pa noon ng application at processing.

    By Blogger RAY, at 6:46 PM, November 06, 2006  

  • KU,

    Hihintayin namin ang susunod na kabanata ng iyong kwento...don't forget to include the pictures ....

    By Anonymous Anonymous, at 3:36 PM, November 07, 2006  

  • Perfet timing kayo, ka Uro.

    Iintayin ko ang pagpapatuloy ng kwento.....

    By Blogger Unknown, at 6:40 PM, November 07, 2006  

  • Sabay pala tayo ng taon na lumisan sa bansang sinilangan.

    By Anonymous Anonymous, at 2:10 AM, November 08, 2006  

  • ituloy mona hehehh!

    By Blogger lheeanne, at 3:12 PM, November 08, 2006  

  • success comes to those who had least expected it... ika nga.

    mas maganda nga kung itutuloy ang kabanatang ito.

    By Anonymous Anonymous, at 3:13 AM, November 09, 2006  

  • cant wait for the part 2... sana po kasama yung decision nyo bakit sa auckland nyo naisipan manirahan at di sa ibang lugar sa NZ.

    God bless po!!!

    By Anonymous Anonymous, at 11:53 PM, November 09, 2006  

  • wow ang tagal n pla ano year 1994 pa, fourth year high school pa ako noon, ngayon sa pagapply mo sa mga embassy eh susme nman, sangkatutak na mga tao, at peperahan k nman sa mga agency kung gusto mo doon ipadaan ang papeles mo makaalis k lang ng bansa..

    kya ngayon nsa tamang edad na ako, at lampas limang taon narin akong nagtatrabaho, mhirap parin umasenso..kya nagiisp narin ako khit sa bansang dubai..

    weres d part 2??

    carol of makati

    By Anonymous Anonymous, at 8:27 AM, November 11, 2006  

  • ok lng po un..ksi we all know nman na mas nak2buti po un sainyu..khit nman ako eh..gusto ko po pmnta ng ibng bansa to live to leave there and to earn saome money..ingat po dyan

    By Blogger patrick, at 4:39 PM, June 22, 2008  

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker