Ganito kami noon (ang karugtong)
Bagamat mas madali noon ang maging residente, mas mahirap naman ang mag-umpisang mamuhay sa NZ.
Unang-una, nung time na yon mahirap makahanap ng kakilalang Pinoy sa NZ. Sinong tatanungin mo? Hindi pa uso ang email at internet. Di katulad ngayon na sa pamamagitan ng Internet madaling makipagkilala at makipagkaibigan sa ibang Pinoy kahit saang lupalop ng mundo.
Dumayo kami papuntang NZ. Wala ni isang kakilala. Baon ang karampot na naipong dolyares, lumipad kami papuntang
At ganoon nga ang ginawa namin. Sa airport may nakita kaming mga naka-paskil na advertisements ng mga hotel. May nakita kaming mura, yung backpackers. Tinawagan namin at nagtanong kami kung papaano puntahan. Sabi sakay daw kami ng Airport Shuttle papuntang Auckland CBD. Pagdating dun sa backpackers, e hindi naman pala pwede ang may kasamang bata. So itinuro kami sa malapit na hotel. Hila-hila ko ang dalawang malalaking maleta paakyat
Kung iisipin namin, maswerte na rin pala kami at walang sumundo sa amin sa airport. May naka-kwentuhan ako na dumating din dito nung 1990’s. May Pinoy pala noon na ang racket ang manundo sa airport ng mga bagong dating. Ginawa niyang business at $250 ang singil niya sa pagsundo. Another $250 naman para ituro lamang sa bagong dating kung papaano kumuha ng IRD number. At $250 na naman para ituro kung paano mag-open ng bank account. $750 lahat ang total. Lintek na Pinoy yon o, grabeng maka-taga!
Mas mahirap din maghanap ng flat na mauupahan nung time na yon.
Nung 1990s mas may kamahalan din ang mga second hand na sasakyan. Pano kasi may importation tax pa noon. Lately nalang tinanggal ito kaya’t biglang nagbagsakan ang presyo ng segunda-manong wheels. Naalala ko noon nilakad namin ni esmi mula
Nung bandang 80s and 90s maraming Pinay ang dumating ng NZ sa pamamagitan ng pagaasawa ng Kiwi. Dahil dito ang image ng mga Pinay, lahat mail-order-brides. Madalas nga noon na kapag may bumating puti kay esmi ang karaniwang tanong sa kanya, "is your husband a Kiwi?". Pabiro naman niyang sinasagot na, "no, he's African". Maitim kasi ako.
Lastly, mas malungkot ang buhay sa NZ noon. Lahat ng shops sarado na pagdating ng alas singko. Sa weekend naman, lahat sarado na rin maliban sa mga supermarket. Kung bibili ka naman ng beer o alak, sa mga liquor stores ka lang makakabili at lunes hanggang sabado lamang. Bawal kasing magbenta ng alkohol na inumin tuwing linggo.
Ma-bo-bore to death ka talaga noon. Lalo na kung single ka o kaya hindi mo pa kasama pamilya mo. Walang mga gimik. Mararamdaman mo ang kalungkutan at ka-homesick-an lalo na’t sasapit ang pasko. Ang mga shops walang mga krismas decors. Ang mga bahay walang mga krismas lights. Tuwing maririnig mo ang mga Pinoy krismas songs tulad ng “Pasko na sinta ko” ni Gary V, o “Christmas in our hearts” ni Jose Mari Chan, naluluha ka.
Lately na lamang nauso ang mga palamuti at ilaw na pampasko dito sa NZ. Nag-extend na rin ng mga shopping hours ang mga malls. At maraming shops ang nagbubukas na rin kapag weekends.
So many things have changed in NZ during the past 10 years. There are lots of things that are easier and more convenient nowadays. Most of all, there seems to be more Pinoys in NZ today, making it easier to feel more at home. I guess there are lots of things, new migrants here should be thankful for.
11 Comments:
Ka Uro-
Matagal na akong nagbabasa nang inyong blog ngayon ko lang talagang na-feel ang pagka universal nang inyong mensahe. Ako ay tiga USA at napapadpad sa inyong blog sa pagnanasang humanap ng informasion ukol sa NZ dahil sa ang bunso kong kapatid ay mapapagawi diyan sa Auckland sa huling parte ng Noviembre. Naka-kuha na siya ng WTR visa at sa pamamagitan nang blog ninyo maraming bagay-bagay kaming natutunan ukol sa NZ at sa pag-iimigrate diyan.
Dumadami na kayo diyan at salamat naman sa tigin ko, may pagkakaisa ang Kiwi Pinoy.
Salamat sa inyong walang pagsawang pagbigay nang payo at sana sa di malayong hinaharap magkatagpo sana ang landas ninyo nang aking kapatid upang tunay ninyang makilala kayo sa personal.
Anonymous-LosAngeles
By Anonymous, at 10:10 AM, November 14, 2006
hi anonymous-LA,
sabihim mo sa bunso mong kapatid na sumali sa AKLNZPinoys yahoo group para ma-meet ko siya at ma-meet niya ang iba pang pinoy. i'm sure magkikita kami. hopefully ikaw rin mapasyal dito at magkita tayo.
By Ka Uro, at 11:18 AM, November 14, 2006
Ka Uro-
It's a date kapag nakapag settle down na si bunso, we plan to visit the Land of the Lord of the Rings. Hopefully we'll meet there someday. Kapag nagka-totoo itong biyahen NZ dala ko ang paborito mong "Boy Bawang" imported or exported pala from LA.
Anonymous-LA
By Anonymous, at 1:08 PM, November 14, 2006
hi Ka Uro... palapit na ang pag-alis namin dito sa Pinas... mas lalo tuloy naghahalo ang kaba, excitement at kalungkutan. Right now, nangingibabaw pa ang kalungkutan dahil ihahatid ko lang ang husband dear ko at babalik ako ng Manila after 2 weeks to continue my work here while he looks for a job there. Shempre, sinunod namin ang payo mo sa blog (at ang favorite ko ay ang "komon-sens" term mo)
We're excited to meet your family na... may gusto ba kayo from Manila aside from Boy Bawang?
By Anonymous, at 8:19 PM, November 14, 2006
KU,
Di ba "black is beautiful" nakaka inspire naman talaga. Pero aside from those wonderful stories kindly share those memorable pictures of you and your family ofcourse....
By Anonymous, at 9:42 PM, November 14, 2006
ka elyong,
hindi na tinatanong si esmi ngayon ng ganong question. normal na kasi ngayon dito ang mga mag-asawang pinoy, di tulad noon mas common ang pinay na may asawang kiwi. tama ka, pumuti na ako ng isang paligo.
anonymous-LA,
hihintayin ko ang imported na boy-bawang baka kasi mas masarap kapag dumaan ng LA.
april,
dont worry about the boy bowang. meron pa ako ditong naka-reserba. good luck sa mister mo at sana makasunod din kayo kaagad, nang hindi naman siya masyadong ma-homesick.
noel,
tama ka diyan. black is beautiful kaya nga black ang national color ng nz. o sige hahalungkatin ko ang baul namin at maghahanap ng mga pictures.
gelo,
mahirap pero exciting yung unang taon di ba? yun nga as time goes by, nakaka-adjust naman tayo at nagiging madali na lahat. kagandahan lang dito sa nz kahit anong trabaho mo mafi-feel mo na may pinupuntahan ang future mo. i'm sorry to criticize our country but it's opposite the experience of most in our country na parang pahirap nang pahirap ang buhay, na wala man lang naipupundar para sa kanilang retirement o maipamamana sa mga anak.
By Ka Uro, at 10:51 AM, November 15, 2006
Pag punta nyo ba jan, kasama mo agad wife at baby mo? mahirap nga ang mangibang bayan, pero at least ngayon okey na ang mga pinag hirapan nyo.
By Anonymous, at 5:18 PM, November 15, 2006
Ang masasabi ko lang... ay saludo ako sa inyo ni Esmi. Biruin mo, from Newmarket to Greenlane????....???
Kagagaling ko lang ng Auckland, kakauwi kahapon, hay kahit gaano karaming beses pumunta ng NZ, gandang ganda pa rin ako sa bansa na yan.
Hope all is well on your end! =)
By Jovs, at 6:47 PM, November 15, 2006
Ang hirap talagang magsimula kapag wala kang kakilala sa lugar na pupuntahan, mangangapa ka talaga. Ang ganda talaga ng binuo nyong samahan, malaking tulong sa mga bagong nakikipagsapalaran.
By Anonymous, at 7:52 PM, November 15, 2006
Ka uro,
Para palang buhay saudi dyan noong araw.
Ngayon ko lang nalaman kung bakit yong panganay namin ay ngangayaw dyan. Sabi nya baka daw sya mabaliw sa sobrang lungkot.
Di naman kami naniniwala kasi nga NZ. Sabi nga namin, iba ang dahilan.
So ganon pala talaga dati.
By Anonymous, at 8:49 PM, November 15, 2006
Hi Ka Uro, matagal ko na hindi napuntahan tong site mo, dati ako nagbabasa at tuwang tuwa sa nakasulat. Pero ngayon mas intense ang pagbabasa ko, kasi mas malinaw na ang biyaheng NZ. We have our interview here in manila in a few weeks time, and we already submitted our filled-up questionnaire (wala daw nito dati, according to a friend who is leaving in January).
Naku, kahit kelan hindi pa ko nalayo sa pamilya, kaya I'm sure balde baldeng luha ang dadanasin ko!
Speaking of levies, swerte nyo konti pa binayaran! Marami na talaga now, that's why we are really praying for a PR, na di hamak na mas liberal at mas mura sa WTR.
Will keep reading at i-rereview ko din yung mga naunang blog.
Sana in a few months time masabi ko ring SEE YOU SOON!
By Anonymous, at 1:44 PM, November 21, 2006
Post a Comment
<< Home