Natanggap niyo na ang pinakahihintay na Permanent Resident Visa mula sa NZ Embassy. Nakatatak na sa inyong mga pasaporte. Congratulations! Unang-una siempre, selebreysyon. Sa yo ang inumin, sa yo ang pulutan, tayo’y maghapi-hapi ...
Pagkatapos maginuman at makaraan ang hang-over ano ngayon ang dapat ninyong gawin? Kailangan planuhin ninyong mabuti ang paglipat sa NZ dahil kayo rin ang mahihirapan kung palpak ang planning.
Eto ang sarili kong rekomendasyon kung paano magiging maayos ang iyong pag-migrate sa NZ. Eto naman ay suggestion lamang at maaring hindi naka-akma sa iyong kalagayan, kaya kayo na ang bahala kung susundin ninyo o hindi ang planong ito. Ang planong ito ay para sa tipikal na Pinoy family na may isa or higit pa na mga anak.
Una sa lahat, mag-decide kayo na isa lang muna sa inyong mag-asawa ang maunang pumunta sa NZ. Susunod na lamang ang pamilya mo kapag medyo settled ka na. Ano ang advantages nito? Marami.
1. Tuloy-tuloy pa rin ang pasok ng income – kung ang matitira sa Pinas ay may trabaho at least may papasok pa ding income. Kung sabay kayong pumunta sa NZ, pareho kayong walang trabaho. Komon-sens.
2. Child care – di problema sa Pinas ang mag-alaga ng mga bata. Sa NZ, di mo pwede isama mga yaya. Again, komon-sens.
3. Disposal of Assets – habang ikaw ay nasa NZ at naghahanap ng work, ang esposo/esposa mo naman ay nasa Pinas para magbenta ng iyong mga ari-arian.
4. Mobility - Ikaw naman na nasa NZ, mas madali kang makakagalaw para maghanap ng trabaho at tirahan.
5. Lesser cost – dahil nag-iisa ka pa lang sa NZ, mas kakaunti pa ang gastos mo.
6. Konsiderasyon sa iyong host - Malaking bagay ito lalo na kung makikitira ka sa kamag-anak o kaibigan pag-dating mo dito. Kung buong pamilya ang makikitira ng sabay, kaawa-awa naman ang host mo. Alalahanin mo na walang mga katulong ang mga households dito.
Let’s assume na susundin mo ang payo ko na isa muna ang pupunta sa NZ. Unang dapat gawin ay maghanap ka na host mo, relative or friend na nasa NZ na pwede mong matuluyan at least for a few weeks at pwedeng maging gabay mo dito. Sa Pinas pa lang kontakin mo na ang prospective host mo para naman may sumundo sa iyo sa airport.
Bago ka lumipad papuntang NZ, i ready mo din ang Philippine Driver's License mo (make sure hindi expired) at kumuha ka ng certification mula sa car insurance mo certifying that you have not made any claims in the last 3 years. Ituloy mo ang pagbabasa at malalaman mo ang dahilan.
Let’s assume further na nandito ka na sa NZ. Sinundo ka ng host mo at may matutuluyan ka nang pansamantala. Eto ang aking suggested timetable showing the milestones and possible activities for you every week for 12 weeks.
WEEK 1First few days, mag-adjust ka muna. May jet-log ka pa. Sigurado, ipapasyal ka muna ng host mo, kaya mag-enjoy ka lang. Habang namamasyal ka, familiarise mo na rin ang sarili mo sa area. Magtanong-tanong ka kung saan ang supermarket, ang mga shops, ang mga schools, bus stop, post office, saan makakabili ng mamasita, etc.
IRD Number - Pero para naman may masabi kang accomplishment mo sa unang linggo, make it your goal to apply for an IRD Number (Inland Revenue Department) in the first week. Para itong Tax Account Number sa atin. Kailangan mo ito para makapag-apply ng trabaho at makapag-open ng bank account later. You can download the application form from the
IRD website, print it and fill it up. Then mail it to Inland revenue together with a xerox copy of your passport. It should take only a few days to get your IRD number.
WEEK 2:Learn to
Ride a Bus - Pag-aralan mo ang mag-bus mula sa tinitirhan mo papunta sa city. Kapag marunong kang pumunta ng city, madali ka nang makapunta sa ibang suburbs. Ang mga buses, naka-oras. Pumunta ka sa terminal sa city at kumuha ka ng timetable at bus routes. This can be very handy. You can’t expect your host to drive you every time to your destination. It’s also one of the best ways to familiarize yourself of the area.
Buy a newspaper and go to the
classified ads section. Browse for prospective jobs. Ang mga vacancies dito, makikita mo under ng “Situations Vacant” section. Wala sa “Wanted”. Continue doing this until you find a job. Also try searching websites for prospectrive jobs. Usually, you should be able to just email them your CV. So wala naman gastos.
WEEK 3:Open a bank account - By this time you should have received your IRD number from the mail. Once you have an IRD number you should be able to open a bank account. Importante ito, kasi, lahat ng sweldo dito diretcho sa bank account mo.
WEEK 4Get a copy of the
NZ Road Code – isa itong libro na mabibili sa mga bookstore or gas stations nandito ang mga rules ng pag-drive dito sa NZ. Basahin mo ito at pag-aralan.
WEEKS 5,6Buy a Car – mahirap ang walang sariling wheels. Try to find a car for less than $5,000. If you are able to use this car for 1 to 2 years, that should be good enough. It is not worth it to buy an expensive car during your first year. Mas marami ka pang dapat pag-gastusan, kaya save your money na lang. Remember you are allowed to use your Philippine Driver’s License for 12 months. Kailangan mo ring ipa-insure ang sasakyan mo. Makakakuha ka ng at least 50% discount sa premium mo, kapag may certificate ka from your insurance company na hindi ka nag-claim in the last 3 years. See my previous post about owning a car in NZ.
Kung hindi ka pa confident na mag-drive sa NZ, magpa-tutor ka. Call a driving school. Makikipag-set sila sa yo ng time usually one hour per session tapos pupuntahan ka nila. Kung wala ka pang sasakyan, ipapagamit nila sa iyo ang training car nila. It’s worth it to take a few lessons.
WEEKS 7,8During this time you should be busy applying for jobs, attending job interviews or just waiting for prospective employers to give you a call. Be patient. Get a list of possible employers from the telephone directory and even if they have not advertised an opening, give them a call or just walked in to their HR office and tell them you’re looking for a job. Don’t be afraid to be turned down. You have to find your own luck. Hindi ka hahanapin ng swerte. Sceintifically speaking, luck is just a statistical chance. The more chances you have, the higher the probability of success. So it’s up to you to increase your chances.
Attend a Filipino mass on Sunday. Tanungin mo ang host mo kung saan ang malapit. Even if you are not Catholic, tiempuhan mo kapag tapos na ang misa. After the mass maraming nagbebenta ng mga Filipino foods. It’s your chance para makipagkilala sa ibang Pinoy. Yung ibang Pinoy snub hindi ka papansinin. Yung iba naghihintay lang na ikaw ang unang bumati. Since ikaw ang may pangangailangan, ikaw na ang unang bumati. You never know baka may alam na job opening ang makilala mo. It happened to my friend. Nakilala lang namin itong mag-asawang Pinoy sa Mall at tinanong namin kung may kakilala silang naghahanap ng computer technician. Tiempo naman meron nga. See, kung inisnab namin sila, kami rin ang talo.
WEEKS 9,10Find a Flat (apartment) – mas maganda sana kung may job ka na bago ka maghanap ng lilipatan para ang hanapin mo mas malapit sa papasukan mo. But there are other considerations, like schools, cost of rental, crime rate in the area, etc. Sa rental ng flat usually you’ll be required to pay 2 weeks rent in advance, 2 weeks bond, then baka may letting fee pa na 1 week. Kaya total 5 weeks rent kaagad ang kailangan mong ibayad. You should have a rental agreement in writing with the landlord. Before you move in sa flat, note down the water meter and electric meter readings with the landlord. This is for your protection para hindi ka i-overcharge later. You can also search for flats through the web. This is
one site.
Then you need to call the electric company (parang Meralco sa atin) to open an account for them and tell them the electric meter reading. Yung water usually ang landlord ang bahala so you don’t need to call the water company. Kung gusto mong magpa-connect ng telephone, kailangan mo ring tawagan ang TELECOM (PLDT nila dito) para magpa-connect ng line.
Para sa karagdagan kaalaman, basahin mo ang previous post ko about Owning vs Renting a house in NZ.
WEEKS 11,12Mag-shopping ka ng mga gamit para sa bahay. Mag-garage sale ka every Saturday early morning. Marami kang bargain na mabibili. I-try mo din ang
www.trademe.co.nz kung gusto mong makahanap ng murang gamit.
At this time, kontakin mo ang prospective schools na papasukan ng mga kids mo. Para pag-dating nila sa NZ may slot na sila sa school. Ang start ng school dito is end of January at matatapos ng December. Pero pwede mo naman i-enrol ang mga bata anytime.
End of week 12, more or less settled ka na at pwede mo nang pasunurin dito sa NZ ang family mo. Good luck!